Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Thesis sa Panunuring Pampanitikan, Summaries of Literary Theory

Sa hanay ng mga makatang babae sa kasalukuyan, si Elynia S. Mabanglo marahil ang maituturing na pinakamabungang nagsusulat ng tula sa Filipino. Kahanga-hanga ang pagkakamit niya ng Hall of Fame sa Palanca; ang pagsungkit ng titulong Makata ng Taon sa Talaang Ginto; ang paghamig ng mga gawad mula sa mga institusyong gaya ng Cultural Center of the Philippines, Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, Komisyon sa Wikang Filipino.

Typology: Summaries

2021/2022

Available from 05/19/2022

bsed3b-maagnesmichaela-montebon
bsed3b-maagnesmichaela-montebon 🇵🇭

3 documents

1 / 10

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Opol Community College BSED-
English
TEORYANG FEMINISMO: LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI
Isang Ulat Para sa Panunuring Pampanitikan
Ipinasa ni:
MA. AGNES MICHAELA C. MONTEBON
BSED 3B
Ipinasa kay:
RAFAELA CABRILLOS
Guro ng Asignatura
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa

Partial preview of the text

Download Thesis sa Panunuring Pampanitikan and more Summaries Literary Theory in PDF only on Docsity!

English

TEORYANG FEMINISMO: LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

Isang Ulat Para sa Panunuring Pampanitikan Ipinasa ni: MA. AGNES MICHAELA C. MONTEBON BSED 3B Ipinasa kay: RAFAELA CABRILLOS Guro ng Asignatura

English

I. PANIMULA

Ang tulang “Liham ni Pinay Mula sa Brunei” ay gumagamit ng teoryang feminism kung saan ang babae sa tula ay hindi na katulad ng mga babae noong unang panahon. Ang teoryang feminismo ay tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal. Bilang isang teoryang pampanitikan, layunin nito ang maunawaan ang di pagpakapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae. Ang akdang ito ay isinulat ni Ruth Elynia S. Mabanglo ay ipinanganak noong Marso 30, 1949, sa Lungsod ng Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Fortunato at Miguela Mabanglo. Siya ay retiradong propessor sa University of Hawaii sa Manoa. Isang coordinator para sa Kagawaran ng Hawaiian at Indo-Pacific at wika, at ang Filipino at Literatura. Nagsimulang magturo ng Filipino noong 1985. Ginawaran ng dating Pangulong Aquino ng Presidential Award for Filipino Individuals and Organization Overseas “Pamana ng Pilipino” category. Ipinakikita ng tula ang damdamin ng babae sa pantay na paghahati ng responsibilidad ng ama at ina ng tahanan. Nakapamumulat din ang akda sapagkat nakikita ng mga mambabasa, kababaihan man o kalalakihan ang damdaming sinisikil ng maraming babae sa double standard na kalakaran sa ating lipunan. Sa babae nakaatang halos lahat ng responsibilidad sa pamilya sa kabila ng kanyang pagtratrabaho sa labas ng tahanan upang mapaghusto ang kita ng pamilya. Inaasahang ang mga kababaihang makakabasa nito ay matutong magsalita at ipaglaban ang kanilang karapatan samantala, ang mga kalalakihan naman ay magiging higit na makatwiran at gagawa ng nararapat upang maitaguyod ang pagkakapareho ng tao anuman ang kasarian.

English

LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

Elynia Ruth S. Mabanglo Ako’y guro, asawa at ina. Isang babae—pupol ng pabango, pulbos at seda, Kaulayaw ng batya, kaldero at kama. Napagod yata ako’t nanghinawa, Nagsikap mangibang-lupa. Iyo’t iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera, Nagbabasa ng diyaryo uma-umaga. Naghihintay siya ng kape At naninigarilyo, Habang kagkag ako sa pagitan ng kuna at libro, Nagpapahid ng lipstick at nagpapatulo ng gripo. Hindi siya nag-aangat ng mukha Umaaso man ang kawali o umiingit ang bata. Hinahatdan ko siya ng brief at tuwalya sa banyo, Inaaliw kung mainit ang ulo. Wala siyang paliwanag Kung bakit hindi siya umuwi magdamag, Ngunit kunot na kunot ang kanyang noo Kapag umalis ako ng lingo. Ayaw niya ng galunggong at saluyot, Kahit pipis ang sobreng inabot, Ibig pa yatang maghimala ako ng ulam

English

Kahit ang pangrenta’y laging kulang. Ako’y guro, asawa at ina. Isang babae—napapagal sa pagiging babae. Itinakda ng kabahaging Masumpa sa walis, labada’t oyayi Kahit may propesyo’t kumikita ng salapi. Iyo’t iyong din ang ruta ng araw-araw— Kabagutang nakalatag sa kahabaan Ng bahay at paaralan, Ng kusina’t higaan. May karapatan ba akong magmukmok? Saan ako tatakbo kung ako’y malungkot? May beerhouse at massage parlor na tambayan Ang kabiyak kong nag-aasam, Nasa bintana ako’t naghihintay. Nagbabaga ang katawan ko sa paghahanap, May krus ang dila ko’t di makapangusap. Humihingi ng tinapay ang mga anak ko, Itinotodo ko ang bolyum ng radio. Napagod yata ako’t nanghinawa, Nagsikap mangibang-lupa. Noon ako nanaginip na nakapantalon, Nagpapadala ng dolyar at pasalubong. Nakahihinga na ako ngayon ng maluwag, Walang susi ang bibig ang isip ay bukas.

English

III. KATAWAN

Ang sarisaring sipat sa babae ay masasabing nasa lawas ng isang uniberso; at ang personang si Pinay-bilang Filipina, migranteng manggagawa, at mapagpalaya-ay lastag na sagisag na nangangailangang pagpakuan ng pansin. Ang mga dekada 1970 hanggang 1990 ang maituturing na panahon ng mga migranteng Filipino. Noong 1999 lamang, umabot sa $6.7 bilyon ang naipasok ng OFW (Overseas Filipino Worker) sa kabang-yaman ng Filipinas. Bilang pagkilala sa ambag ng nasabing manggagawa, ipinahayag ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada ang 2000 bilang taon ng mga OFW “upang kilalanin ang kanilang kabayanihan at sariling pagsasakripisyo sa pagsusulong at pagpapalakas ng ekonomikong pag- unlad sa loob at labas ng bansa.” Mahaba ang kasaysayan ng mga OFW, laksa-laksa ang bilang at mukha, at mababakas ang kanilang ambag mulang plantasyon sa Hawaii hanggang minahan sa Africa; mulang niyebe ng Alaska hanggang buhangin ng Saudi Arabia, mulang aparato sa Japan hanggang damit sa Italy. Ang OFW din ang nagpakilala sa Filipinas sa buong mundo: mulang impormasyong teknolohiya hanggang pagkakawanggawa; mulang bayani hanggang salarin o biktima ng sarisaring krimen at gulo. Ginamit sa nabangggit na tula ni Mabanglo ang pamamaraang tila pagkatha ng isang mahabang liham. Ang ganitong taktika ang ginamit din at pinatanyag ni Ariel Dim. Borlongan sa tulang “From Saudi With Love” na nagpamalas ng kaniyang husay sa paggamit ng parikala habang pigil na pigil ang paglalantad ng lagim sa isang OFW-persona na nakatakdang pugutan ng ulo doon sa Saudi Arabia. Hindi na rin naiiba ang paliham na pamamaraan kung babalikan ang mahabang tradisyon sa panulaang Tagalog. Kinasangkapan na iyon ng mga makatang may regular na pitak sa mga diyaryo at magasin noong bago at makaraang

English

sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at maihahalimbawa ang mga tula nina Julian Cruz Balmaseda, Jose Corazon de Jesus, Benigno Ramos, Lope K. Santos, Iñigo Ed. Regalado, Amado V. Hernandez, Emilio A. Bunag, Florentino T. Collantes, Ildefonso S. Santos, Alejandro G. Abadilla, Manuel Principe Bautista, at Alberto Segismundo Cruz. Ang pinakatanyag marahil sa paliham na pamamaraan ng pagtula ay ang “Ultimo Adios” na sinulat ni Jose Rizal. Maaari namang ituring na magkakatanikalang bukás na liham ang “Hibik ng Filipinas sa Inang España” ni Hermenegildo Flores; ang “Sagot ng España sa Hibik ng Filipinas” ni Marcelo H. Del Pilar; at ang “Katapusang Hibik ng Filipinas” ni Andres Bonifacio.

English

matutong magsalita at ipaglaban ang kanilang karapatan samantala, ang mga kalalakihan naman ay magiging higit na makatwiran at gagawa ng nararapat upang maitaguyod ang pagkakapareho ngtao anuman ang kasarian.