





Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
student research on KPop and its effects on Philippine music industry
Typology: Essays (university)
1 / 9
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
On special offer
Isang Kultural na Pananaliksik na Iniharap kay Binibining Mary Grace H. Gonzales Departamento ng mga Wika at Pangmadlang Komunikasyon Cavite State University - Imus Campus Bilang Bahagi ng Pagtupad Sa mga Pangangailangan para sa Kursong GNED10/11 Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino Molen,Stephany Cyra G. BSOA2C Enero 2021
Sa larangan ng musika ng Pilipinas ang bumubuo ay hind lamang mga lokal na musika. May iba’t ibang musika ang pumapasok sa pilipinas at tinatangkilik ng mga kabataang Pilipino, dahil sa kasikatan, ang isang tinantangkilik ng mga kabataang Pilipino ay ang kpop song o Korean Pop music. Kaya’t sa pag-aaral na ito ay binigyang pansin ang epekto ng Korean Pop Music sa OPM. Sapagkat ang pag - aaral na ito ay mayroong gustong sagutin o magkaroon ng sapat at malinaw na impormasyon na ipapahayag sa mga mang babasa o sa mga kabataan.Para maibatid ang epekto ng Korean pop music sa OPM. Ang pag-aaral na ito ay may kalakip na mga epekto sa kabataang Pilipino sa pamumuhay rin nila, na mga dahilan kung bakit mas binibigyang pansin ng mga kabataang Pilipino ang Korean pop music at hindi ang OPM. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga kabataang Pilipino at sa mangbabasa na mapalawak ang bokabularyo sa wikang Pilipino at matutunanang bigyang halaga ang sining ng pilipinas tulad na lamang ng OPM na ginagawa ng mga lokal na mang-aawit. At magkaroon ng kaalaman ang mang-babasa na bago sa pananliksik na patungkol sa, epekto ng Korean pop music sa OPM. Ang ginawang pananaliksik na ito ay gumamit ng kwalitatibong pananaliksik upang makakuha ng angkop at sapat na datos at malinaw na impormasyon mula sa mga magiging kalahok o respondente. Ito din ay gagamit ng kwalitatibong interbyu o pagtatanong-tanong na paraan upang maging gabay sa pananalisik at magkaroon ng malinaw na paliwanag sa pananaliksik na ito. Ang pananaliksik na ito ay pwedeng irekomenda sa mga mag-aaral na susubok aralin ang kaugnay na pag-aaral batay sa paksa na ginawang pananaliksik.
sa makabagong musika sa kasalukuyan ay may mga hindi magagandang mga salitang nabubuo at mga awiting hindi kaayaaya pakinggan dahil mas nagiging bastos ang mga awitin nabubuo at ipinapalabas gamit ang social media. Hindi tulad ng mga OPM songs noon may malalamin at magagandang salita na masasabi mong pinag isipan at binuo ng isang Pilipino. Kaligiran ng Pag-aaral Sa kasalukuyang panahon ang epekto ng Korean pop music sa larangan ng Musika ng pilipinas maging sa mga kabataang Pilipino at sa iba’t ibang lugar sa asya. Sa pag aaral na ito mapapakita ang epekto ng Kpop song o Korean pop music sa larangan ng musika ng pilipinas at upang malaman kung mas tinatangkilik ang Korean pop music. Kayanaman,Ang layunin ng pag aaral na ito ay ang mga sumusunod:
Tiyak na Suliranin
Ayon kay Lorazano (2015) “Bukod sa galing kumanta at sumayaw ng mga koreanong kabilang sa isang grupo na gumagawa ng kantang “KPOP,” dahil narin sa ganda, gwapo, at galing nilang pumorma kaya naman madali nilang nakuha ang atensyonng maraming tao, partikular mga tinedyer. “KPOP” o “Korean Pop” ay isang uri ng musika nanadebelop sa bansang Korea kaya naman puro koreano at koreana ang mga gumagawa ng mga kanta nito na nakasalin sa kanilang sariling wika. Ang mga kabilang sa isang grupo ng mgakoreano ay hindi lamang magaling sumayaw at kumanta, lahat sila ay magaganda at gwapo nanakakaakit sa maraming tao.” Ang talata 2 ay nagpapakita ng mga negatibong epekto negatibong ng kpop hype songs sa pamumuhay ng mga kabataang Pilipino? Batay sa nakalap na resulta ng pananaliksik na ito at impormasyon na nakalap sa mga naging repondante ay ang mga negatibong epekto nito sa pamumuhay ng mga kabataan Pilipino sa pagtangkilik ng Koreanong musika ay ginagaya nila ang kanilang iniidolong Kpop groups sa pananamit binabago na nila ang kanilang kasuotan upang magaya nila ang kanilang iniidolong kpop group at minsan inaaral din nila ang lenggwahe nito para makasabay sa uso ng mga kabataan na nahihilig din sa koreanong musika. Ayon kay Tindoy (2020) “Sa pag-usbong ng Korean Entertainment Industry,ang Korean pop music ay talaga naming pinagkaguluhan ng buong Asya at kumalat rin sa Europa at Hilagang America. Sa Pamamagitan nito,nagkakaroon ito ng matinding epekto sa mga kabataang Pilipino na, nakakapagpabago sa kanilang pamumuhay at kultura bilang isang Pilipino. Nababago ang kanilang estilo sa pananamit, sa mga bagay na kanilang gusto, sa pagkain o sa kanilang pananalita, na ginagaya ang iniidolong Korean pop idol nila.” Ang talata 3 ay nagpapakita na naiimpluwensyahan ng media ang pagpili ng pakikinig ng mga kanta ng kabataang Pilipino. Batay sa nakalap na resulta ng pananaliksik na ito at impormasyon na nakalap sa mga naging respondante ay naiimpluwensyahan ng media ang pagpili ng pakikinig ng mga kanta ng kabataang Pilipino ay dahil sa umuusbong na makabagong teknolohiya at sa midya na nakakahikayat sa kanila tulad ng facebook at youtube na doon nila napapanood at napapakinggan ang kanilang mga iniidolong kpop group. Ayon kay Cervantes (2015)” Sapagkat kasama ang pagkunsumo ng iba’t ibang uri ng midya kaya’t na aagaw pansin ng koreano. Sa mabilis at patuloy na pag-usad ng makabagong panahon,sumasabay dito ang pag-unlad ng teknolohiya sa mundo. Sa kasulukuyan,malaki ang pagbabagong nagagawa ng internet sa paraan ng pagkonsumo ng Fans sa ibat ibang uri ng midya. Ang mga kanta at bidyo ng kanilang iniidolo ay abot-
kamay na sa pamamagitan lamang ng simpleng click sa kompyuter.” Konklusyon Ang konklusyon na natuklasan sa resulta na ginawa sa pananaliksik na ito ay ang mga kabataang Pilipino ay tumatangkilik sa mga kantang umuuso sa media mula noon hanggang kasalukuyang panahon.Dahil din sa mga iba’t ibang tugtugin ng Korean pop music, na wala sa OPM ay ginugusto nila ang mapakinggan ang Koreanong musika. Nagiging dahilan din ang malakasang pormahan ng mga koreanong iniidolo nila,kaya’t mabilis nakukuha ang atensyon ng mga kabataang Pilipino.Gaya din ng pananalita ng mga koreanong ito ay ginagaya ng mga kabataang Pilipino,upang hindi masabi na sila ay nahuhuli sa mga umuusong na gaganap sa pilipinas. Kaya’t ang ibang kabataang Pilipino ay hirap sa bokabolaryo ng pananalita ng wikang Pilipino,dahil mas tinatangkilik nila ang ibang musika, hindi ang Orihinal Pilipino musika. Hindi na nagbibigyang halaga ang Orihinal Pilipino Musika,dahil sa umuusong Koreanong Musika. Rekomendasyon Ang maiirekomenda ng pananaliksik na ito ay mas maipalaganap pa ang mga kantang nilikha ng mga lokal na mang-aawit sa mga kabataang Pilipino, at bigyang pansin ang OPM at hindi ang Korean pop music. Upang magsimulang dumami ang tumatangkilik sa OPM,at magbigay din ng mga kaalaman sa mga mangbabasa na ito na may mga epekto ang pagtangkilik sa Koreanong musika. Gamit ang mga konkretong impormasyon at nakalap na datos ay mapaliwanag ng husto ang pinapahiwatig ng pananaliksik na ito at pwedeng itong magamit pa sa mga susunod na pananaliksik.