Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Si Crispin, Study Guides, Projects, Research of Human Development

Si Crispin ni Tony Perez

Typology: Study Guides, Projects, Research

2015/2016

Uploaded on 03/15/2016

ananda_wisely
ananda_wisely 🇵🇭

4.5

(4)

1 document

1 / 7

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
WISELY, ANANDA M., MR. ANTHONY S. SALVADOR
SALAZAR, ERNST V. 02/15/16
R01 – BSITDA
I. Pagsusuri sa Pamagat
Mula sa akdang Noli Me Tangere, inakala nating lahat na patay na si Crispin. Huli
natin siyang narinig sa simbahan ng San Diego na pumapalahaw ng iyak at humihingi
ng tulong mula sa kanyang kuya Basilio. Sapilitan siyang kinuha ng sacristan mayor,
at hindi na muling narinig pa. Mula roon ay bumuo tayo ng konklusyon na pinatay sa
bugbog ng ubod ng lupit na sacristan mayor ang kaawa-awang bata. Subalit sa
akdang ito, “binuhay” ni Tony Perez ang karakter ni Crispin, kasama na rin ang ilan
pang mga tauhan mula sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sina: Sisa, Basilio,
Kabesang Tales at Simoun.
Sa akdang ito, si Crispin ang binigyang pokus ng manunulat. Ang batang si Crispin
na kulang sa tapang at dignidad ay nagbinata na. Natuto ng panggagamot mula sa
albularyong si Tata Peping, natutong mag-eskrima mula kay Damian, natutong
bumasa at sumulat mula kay Nana Sesta. Sa madaling sabi, marami ng nagbago kay
Crispin, subalit siya pa rin yung Crispin na emosyonal, mapaghanap ng pagmamahal
at hindi handang makiisa sa Tunay na Kilusan. Hindi pa rin nabuo ang lakas ng loob
niya kahit siya’y nagbinata na, kinupkop at tinuruan ng isang pamilyang pawang ang
mga miyembro ay may parte sa lihim na kilusan.
Nagtataglay ng maraming simbolismo ang akdang “Si Crispin”. Labis kang
mahihirapang unawain ang konsepto at pinag-ugatan ng mga karakter ng librong ito
kung hindi mo pa nababasa o nasulyapan man lang ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Magugulat ka lang sa kuwentong ito ni Tony Perez dahil pinalabas
niyang si Rizal ang ama ni Crispin. Malayo sa inilarawang ama ni Crispin sa Noli Me
Tangere, lasinggero, nambubugbog, abusado, sugarol at puro sabong ang inaaatupag.
May mga ibinigay na pahiwatig sa kuwento na ang bawat Pilipino ay si Crispin.
Takbo ng takbo pero walang nararating. Iniisip ang sarili, na siya lang ang kaawa-
awa, na dapat ay siya naman ang paglaanan ng oras ng kanyang amang si Dr. Jose
Rizal. Sabik na sabik sa pagmamahal ng isang amang inialay na ang kanyang buong
buhay sa bayan. Wala namang mali sa kagustuhan ni Crispin na makasama ang
kanyang ama, kaya lang ay nais niya itong “kuhanin” mula sa bayan.
II. Pagsusuri sa Pabalat
Makikita sa pabalat ang isang trespico, may krus na lumitaw mula sa tuktok nito. Ang
krus ay simbolismo ng pagiging relihiyoso ng mga Pilipino na mayoryang
Kristiyanong Katoliko. Sa Kristiyanismo, ang krus ay nagpapaalala sa mga sakripisyo
pf3
pf4
pf5

Partial preview of the text

Download Si Crispin and more Study Guides, Projects, Research Human Development in PDF only on Docsity!

WISELY, ANANDA M., MR. ANTHONY S. SALVADOR

SALAZAR, ERNST V. 02/15/

R01 – BSITDA

I. Pagsusuri sa Pamagat

Mula sa akdang Noli Me Tangere, inakala nating lahat na patay na si Crispin. Huli natin siyang narinig sa simbahan ng San Diego na pumapalahaw ng iyak at humihingi ng tulong mula sa kanyang kuya Basilio. Sapilitan siyang kinuha ng sacristan mayor, at hindi na muling narinig pa. Mula roon ay bumuo tayo ng konklusyon na pinatay sa bugbog ng ubod ng lupit na sacristan mayor ang kaawa-awang bata. Subalit sa akdang ito, “binuhay” ni Tony Perez ang karakter ni Crispin, kasama na rin ang ilan pang mga tauhan mula sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sina: Sisa, Basilio, Kabesang Tales at Simoun.

Sa akdang ito, si Crispin ang binigyang pokus ng manunulat. Ang batang si Crispin na kulang sa tapang at dignidad ay nagbinata na. Natuto ng panggagamot mula sa albularyong si Tata Peping, natutong mag-eskrima mula kay Damian, natutong bumasa at sumulat mula kay Nana Sesta. Sa madaling sabi, marami ng nagbago kay Crispin, subalit siya pa rin yung Crispin na emosyonal, mapaghanap ng pagmamahal at hindi handang makiisa sa Tunay na Kilusan. Hindi pa rin nabuo ang lakas ng loob niya kahit siya’y nagbinata na, kinupkop at tinuruan ng isang pamilyang pawang ang mga miyembro ay may parte sa lihim na kilusan.

Nagtataglay ng maraming simbolismo ang akdang “Si Crispin”. Labis kang mahihirapang unawain ang konsepto at pinag-ugatan ng mga karakter ng librong ito kung hindi mo pa nababasa o nasulyapan man lang ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Magugulat ka lang sa kuwentong ito ni Tony Perez dahil pinalabas niyang si Rizal ang ama ni Crispin. Malayo sa inilarawang ama ni Crispin sa Noli Me Tangere, lasinggero, nambubugbog, abusado, sugarol at puro sabong ang inaaatupag.

May mga ibinigay na pahiwatig sa kuwento na ang bawat Pilipino ay si Crispin. Takbo ng takbo pero walang nararating. Iniisip ang sarili, na siya lang ang kaawa- awa, na dapat ay siya naman ang paglaanan ng oras ng kanyang amang si Dr. Jose Rizal. Sabik na sabik sa pagmamahal ng isang amang inialay na ang kanyang buong buhay sa bayan. Wala namang mali sa kagustuhan ni Crispin na makasama ang kanyang ama, kaya lang ay nais niya itong “kuhanin” mula sa bayan.

II. Pagsusuri sa Pabalat

Makikita sa pabalat ang isang trespico, may krus na lumitaw mula sa tuktok nito. Ang krus ay simbolismo ng pagiging relihiyoso ng mga Pilipino na mayoryang Kristiyanong Katoliko. Sa Kristiyanismo, ang krus ay nagpapaalala sa mga sakripisyo

ni Hesukristo. Inialay Niya ang kanyang buhay upang matubos tayo sa ating mga kasalanan. Parang ganito ang ginawa ni Ka Pepe (Dr. Jose Rizal). Hinangad niya ang kalayaan para sa Pilipinas. Nagsulat siya ng dalawang nobelang pumukaw at gumising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino. Subalit, kapag binasa mo ang kuwento, masasabi mo rin na parang tinutuligsa ng manunulat na si Tony Perez ang naging paraang ito ni Rizal sa pagkakamit ng tunay na kalayaan. Nariyang ipinaalala niya sa atin na ang nais lang ni Rizal ay maging kolonya tayo ng Espanya upang maging maayos at makatao ang pagtrato sa atin ng mga racist na Kastila. Nabanggit pa nga sa akda na ang mga illustrado ay may tinatanaw na utang na loob sa Espanya dahil sa pagpapaaral sa kanila sa ibang bansa.

Ngayon nama’y aking tatalakayin ang trespico sa pabalat ng aklat, pinaniniwalaang nagdudulot ng proteksyon ang trespico sa taong nagsusuot nito. Ang paniniwalang ito ay nagmula pa sa ating mga ninuno na naniniwala sa mga masasama at mabubuting espiritu, mga iba’t-ibang uri ng elemento ng lawa at lupa, kulam, orasyon, sapi at iba pang mahika. Ang anting-anting na trespico ay katatagpuan ng isang mata sa gitna ( Eye of Providence) , nakapaloob sa trianggulong may iba’t-ibang inisyal sa bawat gilid. Ayon sa aming pagsasaliksik ng anting-anting na ito, ang mga letrang “HLVM”, “HUV” at “AD Y” ay nagrerepresenta sa iba’t-ibang orasyon na kailangang bigkasin upang “tawagin” ang kapangyarihang proteksyon ng nasabing anting-anting. Hindi magiging mabisa ang anting-anting kung hindi “tatawagin” ang mga letrang iyon.

Ang seryosong abuhing kulay naman ng pabalat ay sumasagisag sa proteksyon, pagkalinga at pagiging responsableng miyembro ng pamilya. Sa kwentong “Si Crispin”, halos walang araw na lumilipas na hindi siya nangulila sa kanyang pamilya mula ng mawalay siya rito isang gabing hinabol siya ng mga guwardiya sibil. Si Ka Pepe (Dr. Rizal) nama’y naging isang mapagkalingang “ama” ng kanyang bayan. Humingi siya ng tawad kay Crispin dahil hindi siya naging isang ganap na ama rito, sa kadahilanang may mas malaking pamilya pang nangangailangan sa kanya.

III. Mga Tauhan :

  • Crispin
    • Anak ni Ka Pepe (Dr. Jose P. Rizal) at Sisa
    • Kapatid ni Basilio na “anak” ni Animasola
    • Naghahangad tularan ang kanyang amang repormista
    • May kaalaman sa mga orasyon at may kakayahan sa panggagamot
    • Halaw mula sa karakter ni Crispin sa Noli Me Tangere
  • Ka Pepe (Dr. Jose Rizal)
    • Dibuhista, iskultor, iskrimador
    • Asawa ni Sisa
    • Ama ni Crispin at Basilio / “may-akda”
  • Ipinaliwanag niya kay Crispin kung bakit “Dios Infinito sa Bato” si Ka Pepe
  • Ayon sa kanya, hindi na dapat tumulad si Crispin sa kanyang amang may “karamdamang iba sa lahat”
  • Simoun
  • Nagpapalaganap ng mga adhika ng Tunay na Kilusan sa karnabal bilang paring pugot na ulo ni San Juan Bautista
  • Ipinakilala niya kay Crispin si Ka Pepe mula sa tuktok ng toresilya
  • Direktang halaw mula sa El Filibusterismo
  • (^) Elpidio
  • Kaibigan ni Basilio
  • Nakikiisa sa Tunay na Kilusan ni Animasola
  • Aling Mercedes – Tagapangalaga ng mga alagang hayop nina Tata Peping
  • Pinay
  • Bugtong na anak ni Aling Mercedes
  • Crush ni Crispin
  • Nana Sesta - Katiwala ni Tata Peping
  • Arnulfo
  • Isa sa walong kasama nina Tata Peping
  • Naging pinakamalapit sa loob ni Crispin sa kadahilanang hawig siya kay Basilio di lamang sa pagmumukha at pangangatawan kundi pati sa ugali’t katauhan
  • Borromeo
  • Guwardiya sibil na lihim na nakikiisa sa Tunay na Kilusan
  • Eugenio, Carmelito, Rodelio, Bibiano – mga kasama nina Tata Peping, tagabinhi, taga-abono, at taga-ani ng mangga sa tumana

IV. Wakas

“Tumakbo siya sa lahat-lahat ng salinlahi. Tumakbo siya sa mga panahon na walang dulo at walang katapusan. At, sa pagkakaalam nating lahat, tumatakbo pa rin siya, sa kasalukuyan.” - Tony Perez

Masasabi nating ang bawat pangkaniwang mamamayang Pilipino ay si Crispin. Takbo ng takbo pero walang nararating dahil kulang sa tapang, kulang sa dignidad at kulang sa kaalaman. Palagi nating iniisip na tayo lang at ang ating pamilya ang kaawa-awa, ang nangangailangan ng tulong at pagmamahal. Subalit, dapat din nating

isipin at isaalang-alang ang ating mga kababayan, na marami sa kanila ay mas higit na kaawa-awa sa atin. Huwag nating tangkaing tanggalin ang kanilang “ama” mula sa kanila.

Sa kabilang banda, sino nga ba ang nagsabi kay Crispin na tumakbo siya? Si Rizal mismo, ito ang huling ibinilin niya bago siya barilin sa Bagumbayan. Nagbigay-payo pa nga siya kay Crispin na piliin ang madaling buhay na “minsan” lang ang magiging kamatayan. Sa buhay na lumalaban para maging malaya, pauli-ulit raw ang kamatayan. Parang nalulungkot sa kanyang naging sariling kapalaran at kapwa nanghihinayang ang tono dito ni Rizal. Ayaw niya nang sapitin ng kanyang bunsong anak na si Crispin ang lahat ng sakit at hirap na dinanas niya.

Sa aming opinyon at pag-aanalisa, okay lang naman ang sumunod sa bilin ng magulang, subalit minsan hindi dapat tayo yung tanggap lang nang tanggap. Mag-isip din tayo para sa sarili natin. Tulad na lang halimbawa ng isang karanasan ko sa aking ina na wala namang ibang inisip kundi ang kapakanan din naming mga anak niya. Hindi niya ako pinapayagang pumunta sa mga malalayong lugar, kahit na may kompetisyon sa drawing o Science Investigative Project akong kailangang salihan. Mapapahamak daw ako, kung ano-ano daw ang naiisip niya. Baka daw ako masagasaan ng sasakyan o magka-dengue. Nagkaroon ng isang malaking kompetisyon sa Baguio. Chance para mag- shine sa chess competition. Ayaw ni mama dahil pa-zigzag ang daan dun, mahirap na raw baka mahulog yung bus sa bangin. Sinuway ko siya. Gumising ako ng napakaaga at lumarga pa-Baguio. Makalipas ang isang linggo, may pasalubong na ako sa kanyang tropeo. Champion sa chess.

Sa sobrang pagmamahal sa atin ng ating mga magulang, minsan ay nakapagbibigay rin sila ng maling payo. Mali ang ginawang pagtakbo ni Crispin. Oo nga’t ito ang bilin ng kanyang ama sa kanya, subalit ang pagtakbo’y wala ring kabutihang maidudulot sa bandang huli. Dapat harapin ang problema. Dapat lumaban.

Sa kuwento ng Dios Infinito sa Bato, isinalaysay sa simbolismong pamamaraan na sinubukang himukin ng Tres Persona (mga pangunahing pinuno ng iba’t-ibang kilusan sa Luzon, Visayaz at Mindanao) si Dr. Jose P. Rizal (Dios Infinito sa Bato) na sumama sa kanila sa Tunay na Kilusan. Subalit, hindi ang madugong rebolusyon ang pamamaraan ni Rizal. Siya’y isang repormista, isang illustrado na kahit papaano’y may utang na loob raw sa Espanya ayon nga kina Tata Peping, nais niyang maging kolonya ng Espanya ang Pilipinas para maging maayos ang pagtrato sa atin. Sinasabi nga ng mga miyembro ng Tunay na Kilusan na ang paraan ni Infinito Dios ay hindi talaga makapagbibigay laya sa bayan, na hindi tunay na kalayaan ang ipinaglalaban ng mga illustrado, dahil ang tunay na kalayaan ay magmumula lamang sa marahas at madugong rebolusyon ng masa.

Sa panahon ngayon na laganap na ang lahat ng klase ng kawalang-hustisya sa pamahalaan, ang nararapat na ay rebolusyon. Silently , nais iparating ng akdang ito na hindi na uubra ang mapayapang paraan. Tigilan na ang pagtakbong walang kahahantungan. Huwag ng maging Crispin. Piliin nang maging “anak ni Animasola” at makibaka na para sa tunay na kalayaan.