Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

RMT categories and others, Lecture notes of Spanish Culture

Adults are ribbonlike, flattened, segmented, hermaphroditic flatworms 5 to 10 m long, consisting of scolex, neck, and immature, mature, and ripe segments in linear sequence. The distinctive morphologic and physiologic properties of the adult tapeworm reflect on the one hand their remarkable specialization for survival in the vertebrate intestine, and on the other hand their massive reproductive powers which are made possible by the multiple sexual units, the proglottides or segments. This ensure

Typology: Lecture notes

2020/2021

Uploaded on 05/20/2022

2a-rosabia-glyssa-mae
2a-rosabia-glyssa-mae 🇵🇭

1 / 12

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
YUNIT
V
ISYUNG PANGKASARIAN: LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI
SOSYEDAD AT LITERATURA
Pahina I
1
8
#EQUITY
PANIMULA
Nananatiling malaking isyu at hamon ang
pagkakapantay-pantay ng kasarian sa Pilipinas. Kahit malayo
na ang narating ng kababaihan sa larangan ng politika,
negosyo, media, akademya, at iba pang larangan; nanatiling
biktima pa rin sila ng diskriminasyon at karahasan. Ngunit hindi
lamang sila ang nahaharap sa diskriminasyon at karahasan,
maging ang mga kalalakihan ay nagiging biktima rin. Panghuli,
ang tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ay
ang mga LGBTQ+, ang kanilang mga kuwento ay itinago,
inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot.
Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng
pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan,
negosyo, lipunan, at maging sa kasaysayan.
Pagtutuunan ng pansin dito sa Yunit V ang iba’t ibang
isyu at hamon tungkol sa kasarian at lipunan sa tulong ng
panitikan. Naglalaman ito ng mga gawain na hahamon sa
kaalaman at kasanayan ng mga mag- aaral na masuri at
maunawaan ang mga usaping may kinalaman sa kasarian at
lipunan. Makatutulong ang pag-unawang ito na malinang sa
bawat isa ang pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapuwa bilang kasapi ng isang pamayanan,
bansa, at daigdig.
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa

Partial preview of the text

Download RMT categories and others and more Lecture notes Spanish Culture in PDF only on Docsity!

YUNIT

V

SOSYEDAD AT LITERATURA

#EQUITY

PANIMULA

Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa Pilipinas. Kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa larangan ng politika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon at karahasan. Ngunit hindi lamang sila ang nahaharap sa diskriminasyon at karahasan, maging ang mga kalalakihan ay nagiging biktima rin. Panghuli, ang tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ay ang mga LGBTQ+, ang kanilang mga kuwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan, at maging sa kasaysayan. Pagtutuunan ng pansin dito sa Yunit V ang iba’t ibang isyu at hamon tungkol sa kasarian at lipunan sa tulong ng panitikan. Naglalaman ito ng mga gawain na hahamon sa kaalaman at kasanayan ng mga mag- aaral na masuri at maunawaan ang mga usaping may kinalaman sa kasarian at lipunan. Makatutulong ang pag-unawang ito na malinang sa bawat isa ang pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapuwa bilang kasapi ng isang pamayanan, bansa, at daigdig.

LAYUNIN

LUNSARAN

Isulat mo ang sagot mo rito:

PALAISIPAN

Naaksidente ang isang lalaki at ang kaniyang anak, malubha ang lagay ng dalawang biktima. Kaa

YUNIT

V

SOSYEDAD AT LITERATURA

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang malinang ang kaalaman at kasanayan na masuri at maunawaan ang mga usaping may kinalaman sa kasarian at lipunan sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan. Partikular na nilalayon ng aralin na:

  1. Matukoy ang mga makabuluhan at malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
  2. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikan.
  3. Masuri nang makabuluhan ang akda gamit ang angkop na teoryang pampanitikan.
  4. Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay sa isang suliraning panlipunan. Panubaybay na tanong:

_________

_________

_________

_________

_________

_________

_________

__________

__________

__________

__________

__________

__________

__________

YUNIT

V

SOSYEDAD AT LITERATURA

ILABAS ANG IYONG PAGIGING MAKATA

Ang mga larawang nasa ibaba ay mga kilala at kahanga- hangang mga Pilipino na binasag ang mga pamantayang pangkasariang itinakda ng lipunan sa kanila at pinatunayan ang kanilang angking husay at galing sa larangang kanilang pinili. Tukuyin kung sino sila at bilang pagpupugay sa kanila, ipakilala ang mga personalidad na ito sa masining na paraan.

YUNIT

V

SOSYEDAD AT LITERATURA

LINANGIN

Sa hanay ng mga makatang babae sa kasalukuyan, si Elynia S. Mabanglo marahil ang maituturing na pinakamabungang nagsusulat ng tula sa Filipino. Kahanga-hanga ang pagkakamit niya ng Hall of Fame sa Palanca; ang pagsungkit ng titulong Makata ng Taon sa Talaang Ginto; ang paghamig ng mga gawad mula sa mga institusyong gaya ng Cultural Center of the Philippines, Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, Komisyon sa Wikang Filipino, National Commision for Culture and the Arts, Samahang Balagtas, UP Creative Writing Center, at Liwayway. Sa mga aklat ng mga tula ni Mabanglo, masasabing ang kapwa kalipunang Mga Liham ni Pinay (1990) at Anyaya ng Imperyalista (1998) ang dalawang panulukang bato—na may iisa ang hubog—ng kaniyang pagkamakata.

Liham ni Pinay mula sa Brunei

ni Ruth Elynia Mabanglo

Ako’y guro, asawa at ina. Isang babae--pupol ng pabango, pulbos at seda, Kaulayaw ng batya, kaldero at kama. Napagod yata ako’t nanghinawa, Nagsikap mangibang-lupa. Iyo’t iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera, Nagbabasa ng diyaryo uma- umaga. Naghihintay siya ng kape At naninigarilyo, Habang kagkag ako sa pagitan ng kuna at libro, Nagpapahid ng lipstick at nagpapatulo ng gripo. Hindi siya nag-aangat ng mukha Umaaso man ang kawali o umiingit ang bata. Hinahatdan ko siya ng brief at tuwalya sa banyo, Inaaliw kung mainit ang ulo. Wala siyang paliwanag Kung bakit hindi siya umuwi

Ito lamang ang sagot, Bayaang lalaki ang maglaba ng kumot. Karagdagang Kaalaman Ang mga dekada 1970 hanggang 1990 ang maituturing na panahon ng mga migranteng Filipino. Noong 1999 lamang, umabot sa $6.

YUNIT

V

SOSYEDAD AT LITERATURA

Ako’y guro, asawa at ina. Isang babae-- napapagal sa pagiging babae. Itinakda ng kabahaging Masumpa sa walis, labada’t oyayi Kahit may propesyo’t kumikita ng salapi. Iyo’t iyon din ang ruta ng araw-araw-- Kabagutang nakalatag sa kahabaan Ng bahay at paaralan, Ng kusina’t higaan. May karapatan ba akong magmukmok? Saan ako tatakbo kung ako’y malungkot? May beerhouse at massage parlor na tambayan Ang kabiyak kong nag-aasam, Nasa bintana ako’t maghihintay. Nagbabaga ang katawan ko sa paghahanap, May krus ang dila ko’t di makapangusap. Humihingi ng tinapay ang mga anak ko, Itinotodo ko ang bolyum ng radyo. Napagod yata ako’t nanghinawa, Nagsikap mangibang-lupa. Noon ako nanaginip na nakapantalon, Nagpapadala ng dolyar at pasalubong. Nakakahinga na ako ngayon nang maluwag, Walang susi ang bibig, ang isip ay bukas. Aaminin kong ako’y nangungulila Ngunit sariling kape ko na ang tinitimpla. Nag-aabang ako ng sulat sa tarangkaha’t pinto, Sa telepono’y nabubusog ang puso. Umiiyak ako noong una, Nagagamot pala ang lahat sa pagbabasa.

YUNIT

V

SOSYEDAD AT LITERATURA

Suriin

mo!

DISKRIMINASYON SA KASARIAN

YUNIT

V

SOSYEDAD AT LITERATURA

Sa bahaging ito ng Yunit V, kailangan mo nang maipakita ang iyong kahusayan sa pagsusuri ng akda gamit ang angkop na akdang pampanitikan. Narito ang gabay mo sa iyong isasagawang pagsusuri: o Panimula: Introduksyon ukol sa tula at kung para kanino ang akdang ito o Katawan: Angkupan ng teoryang pampanitikan ang akda at gamitin ang konsepto nito sa pagsusuri ng nilalaman at isinisiwalat ng tula o Wakas: Mensahe at repleksyon ukol sa akdang sinusuri PAGPUPUNTOS o Makabuluhang Paglalatag ng Kaisipan 30 o Katiyakan at Kawastuhan ng mga teoryang pampanitikang ginamit 30 o Kasiningan at Wastong Paglalahad 25 o Linaw ng mga Ideya 15 o KABUUAN 100

YUNIT

V

SOSYEDAD AT LITERATURA

PAGSUSURI SA TULANG LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI

ni RUTH ELYNIA MABANGLO