Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

repleksyon sa filipino, Study notes of Agricultural economics

para sa mga mamamayan ng bansa na umaasa lamang sa gobyerno

Typology: Study notes

2017/2018

Uploaded on 10/04/2018

jessa-mae-belmoro
jessa-mae-belmoro 🇵🇭

3 documents

1 / 1

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Bicol University
College of Business Economics and Management
Daraga Campus
Jessa Mae Belmoro BSBA Management 1-A
Bilang mga mamayan ng ating bansa, napapailalim tayo sa pamumuno ng
ating gobyerno. Ang gobyerno na binubuo ng mga taong ating iniluklok sa pwesto
sapagkat mayroon tayong tiwala sa kanila. Ngunit ang ginagampanan lamang nila
ay ang kanilang sinumpaang tungkulin at hindi na nila sakop ang mga personal na
aspeto ng ating buhay. Tulad na lamang ng kahirapan; oo, marahil ay malaki ang
partisipasyon ng gobyerno kung ang pag-uusapan ay ang pagbibigay ng sapat na
trabaho sa mga mamamayan. Ngunit ang karagdagang pagpupursigi ay nasa ating
mga kamay. Hindi tayo uunlad kung patuloy lamang tayong aasa sa gobyerno.
Nagbibigay sila ng trabaho, tumayo tayo para mag- apply o magtrabaho. Hindi
tayo uusad kung nakaupo lamang tayo sa isang tabi at patuloy na binabatikos ang
gobyerno. Kumilos tayo para sa ating kabuhayan at para sa ating mga sarili. Dahil
ang kaunlaran at tagumpay natin ay hindi nakasalalay sa iba. Tayo ang
magmamaneho ng ating buhay at nasa ating kamay ang direksyon ng ating
patutunguhan.

Partial preview of the text

Download repleksyon sa filipino and more Study notes Agricultural economics in PDF only on Docsity!

Bicol University College of Business Economics and Management Daraga Campus

Jessa Mae Belmoro BSBA Management 1-A

Bilang mga mamayan ng ating bansa, napapailalim tayo sa pamumuno ng ating gobyerno. Ang gobyerno na binubuo ng mga taong ating iniluklok sa pwesto sapagkat mayroon tayong tiwala sa kanila. Ngunit ang ginagampanan lamang nila ay ang kanilang sinumpaang tungkulin at hindi na nila sakop ang mga personal na aspeto ng ating buhay. Tulad na lamang ng kahirapan; oo, marahil ay malaki ang partisipasyon ng gobyerno kung ang pag-uusapan ay ang pagbibigay ng sapat na trabaho sa mga mamamayan. Ngunit ang karagdagang pagpupursigi ay nasa ating mga kamay. Hindi tayo uunlad kung patuloy lamang tayong aasa sa gobyerno. Nagbibigay sila ng trabaho, tumayo tayo para mag- apply o magtrabaho. Hindi tayo uusad kung nakaupo lamang tayo sa isang tabi at patuloy na binabatikos ang gobyerno. Kumilos tayo para sa ating kabuhayan at para sa ating mga sarili. Dahil ang kaunlaran at tagumpay natin ay hindi nakasalalay sa iba. Tayo ang magmamaneho ng ating buhay at nasa ating kamay ang direksyon ng ating patutunguhan.