Download Panitikan sa Pilipinas and more Study notes Asian literature in PDF only on Docsity!
1
PANITIKAN
Inihanda nina: Shimie Arciaga Leo Angelo Austria Melvin Bayas
Panitikan
- Talaan ng buhay ang panitikan sapgkat dito isinisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap. Arogante (1983)
- Ang panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Salazar (1995:2)
- Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestitikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang- maliw. Webster
- Ang panitikan ay nagmula sa salitang titik. Ang tunay na panitikan ay pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng aestitikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang-maliw nito.
4 Mga Akdang Tuluyan o Prosa
5 TULUYAN/PROSA- Ang tuluyan o prosa ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan.
7
Maikling kwento
- Ito ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng
isang maikaing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang mga tauhan.
Uri ng Maikling kwento
1) Pangkatauhan (Hal. Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-
Matute)
2) Makabanghay (Hal. Bahay na bato ni B.L. Rosales)
3) Pangkapaligiran (Hal. Yumayapos ng Takipsilim ni Genoveva
Edroza-Matute)
4) Pangkatutubong-kulay (Hal. Suyuan sa Tubigan ni Macario
Pineda)
5) Pangkaisipan (Hal. Ang Pag-uwi ni Genoveva Edroza-Matute)
6) Sikolohikal (Hal. Dugo at Utak ni Cornelio Reyes)
8
Dula
- Ito ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may akda. Uri ng Dula
- Komedya (Hal. Ang Piso ni Anita ni Julian Cruz Balmaceda)
- Trahedya (Hal. Lakambini ni Patricio Mariano)
- Melodrama (Hal. Minda Mora ni Severino Reyes) Alamat
- Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. (Hal. Ang Alamant ng Pinya)
10
Sanaysay
- Ito ay isang sulating gawain na kung saan ito’y
kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o
opinyon ng isang awtor o akda.
Uri ng Sanaysay
1. Pormal
2. Impormal
11 Talambuhay Ito ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Uri ng Talambuhay
- Pansarili (Hal. Ang Mabuting pakikipaglaban ni Manuel L. Quezon)
- Talambuhay na Paiba (Hal. Itinadhana sa kadakilaan ni Anacleto I. Dizon) Balita - Ang balita ay anumang pangyayaring hindi karaniwan, isang ulat, nakapagbibigay impormasyon at mapaglilibangan ng mambabasa, nakikinig at nanunuod. Talumpati- Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
13
Ang Patula ay may Limang (5) Elemento
1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Tono
5. Persona
14 (^) Tulang pasalaysay
- kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon, nasa ilalim nito ang epeiko, awit at korido.
- Epiko
- Tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala. Hal. Biag ni Lam – Ang
- Awit – May Taludtod na lalabindalawahing pantig. Hal. Florante at Laura
- Korido – Wawaluhing pantig ang bawat taludtod. Hal. Ibong adarna ni Jose De La Cruz
16
- Pastoral - Tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran. Hal. Bayani ng Bukid ni Al. Q. Perez
- Oda – Tulang Paghanga (^) Tulang Padula o Dramatiko
- Tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan. Hal. Senakulo (^) Tulang Patnigan
- Laro o mga paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng namatayan. Hal. Balagtasan
17 Ang Impluwensya ng Panitikan Ang Panitikan ay may malaking imoluwensya sa daigdig. Sa iba’t ibang panig nito, may matutukoy na isa o ilang tanging akda na naghatid ng malaking impluwensya sa kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay at kabihasnan ng tao. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: (^) Banal na kasulatan o Bibliya – ang naging pinakabatayan ng paniniwalang kristiyano sa buong daigdig. (^) Koran mula sa Arabia – ang pinakabibliya ng mga Muslim. (^) Illiad at Oddysey ni Homer – Kinatutuhanan ng mga mitolohiya at alamat sa Gresya. (^) Mahabharata – tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya. Ipinalalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
Isang Libo at isang Gabi – Akdang nagmula sa Arabya
at Persya. Naglalarawan ito ng pamahalaan,
kabuhayan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.
Aklat ng mga Araw ni Confucius – Naging batayan
ng pananampalataya ng mga Intsik.
Aklat ng mga Patay – Naglalarawan ng mga kulto ni
Osiris attumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng
Ehipto.
Awit ni Rolando – Kinapapalooban ito ng Doce Pares
at Roncesvalles ng Pransya. Isinasalaysay dito ang
gintong panahon ng Kristianismo sa Pransya.
20 Kahalagahan ng Pag-aaral ng Sariling Panitikan Napakahalaga ng Panitikan sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit isinama ang pag-aaral nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag-aaral. Ilan sa mga kapakinabang natatamo sa pag-aaral ng ating sariling panitikan ay ang mga sumusunod: a) Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang minana nating yaman at talinong taglay ng ating lahing pinagmulan. b) Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating sariling mga tradisyon at kultura, maging ng mga naging impluwensya sa atin ng ibang bansa na siyang naging sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan. c) Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na ang pagpapakasakit ng ating ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon.