



Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
Ang papel na ito ay tumatalakay sa pagsasaling tekstong teknikal, ito ang direktang pagsalin na kung saan kung ano ang katumbas na salita ay iyon lamang ang gagamitin. May mga salita rin na hindi na kinakailangang isalin pa dahil wala na itong katumbas. Hindi na ito babaguhin pa dahil kung ano ang pagbigkas sa englis ay iyon din sa Filipino at kung ano ang pagbaybay sa ingles ay iyon lang din sa Filipino.
Typology: Study Guides, Projects, Research
1 / 6
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
I. Layunin Tiyak na mga layunin ng pag-aaral ang mga sumusunod: a. nabibigyang kahulugan ang pagsasaling tekstong teknikal, b. nakapagbibigay kahalagahan sa maingat na pagsasalin ng tekstong teknikal; at c. nakagagawa ng pagsasalin sa mga terminong teknikal. II. Introduksyon Ang papel na ito ay tumatalakay sa pagsasaling tekstong teknikal, ito ang direktang pagsalin na kung saan kung ano ang katumbas na salita ay iyon lamang ang gagamitin. May mga salita rin na hindi na kinakailangang isalin pa dahil wala na itong katumbas. Hindi na ito babaguhin pa dahil kung ano ang pagbigkas sa englis ay iyon din sa Filipino at kung ano ang pagbaybay sa ingles ay iyon lang din sa Filipino. Ngunit hindi lahat ng mga termino ay kung ano ang pagbaybay sa ingles ay iyon din sa tagalog dahil ito ay naisasa-Filipino. Sa pagsasaling tekstong teknikal ay kailangang maging maingat na hindi ito makapagbabago ng kahulugan. Mag-ingat sa mga salitang isasalin kung ito ba talaga ang katumbas na kahulugan ng salita. III. Nilalaman Ang pagsasaling tekstong teknikal ay tuwirang may kinalaman sa mga siyensiya, pangkalikasan man o panlipunan, pang-akademiko na nangangailangan pa rin ng mga espesyalisadong wika. Ito ay maaari ngunit hindi ito malikhaing pagsulat. Ayon kay Santiago (1994) ang mga materyales o tekstong teknikal ay ginagamitan ng isang paraan ng pagpapahayag na tuwiran at tiyak. Ang bawat terminolohiyang teknikal ay karaniwang iisa lamang ang kargang kahulugan na di tulad sa mga materyales na hindi teknikal. Ipinaliwanag naman ni Batnag sa isa niyang panayam na espesyalisado at higit na eksakto ang lenguwahe nito at gumagamit ng maraming salitang hiram, lalo kung tungkol sa syensyang likas o natural sciences ang isinasalin.
Ibinahagi naman ni Antonio (1995) sa kanyang artikulong pagsasalin ng kaalaman. Panteknolohiya na may mga terminolohiyang teknikal sa pwedeng tapatan ng salin at mayroon ding hindi dapat isalin at panatilihin ang orihinal na terminolohiya. Mayroon ding mga terminolohiyang maaaring tapatan ng baybay sa wikang Filipino kung gusto itong maging estilo ng isang nagsasalin. Pag-aralan ang mga halimbawang pagsasalin ni G. Antonio ng mga terminolohiyang panteknolohiya; Subalit pinaalalahanan niyang hindi lahat ng terminolohiyang panteknolohiya ay babayin na lamang sa wikang Filipino dahil kulang ang kaalaman ng tagasalin sa bokabularyo at kadalubhasaan sa wikang ginagamit sa pagsasalin. Aniya, hindi magiging mahusay ang salin sa namumutiktik sa binaybay lamang sa wikang Filipino mula sa wikang Ingles. Sa artikulo ring ito at binigyang diin niya ang tungkol sa "essential translation" sinabi niya "ang paglalapat ng angkop na salita o pampapanatili ng orihinal na terminolohiyang teknikal sa orihinal na nilalaman at bahagi ng matatawag nating "essential translation" o paghango ng laman ng isinasaling kaalaman sa pagsasalin at hindi literal na salin lamang". Mas magiging maliwanag at kongkreto ang talakay dito kung may isang tekstong teknikal na halimbawa. Tingnan ang isang bahagi ng polyetong Rose Culture ni Toma's D. Catadal. Anito: Budding - pagpapausbong Artificial Insemination - artipisyal na Inseminasyon Saponification - saponification Saturated salt - saturated salt Roses, generically known as Rosa , belong to a large group of shrubs, herbs and trees of the family Rosaceae. This family includes strawberries, peach, almond, apple , apricot, and others. One feature that links them together is the production of a flower bud with varying numbers of petals from five to sixty. All of them bear fruit, including the rose. The immature fruit is called hip. The rose hip is said to be a good source of vitamin C, next to Citrus fruits.
Upang lubos na mauunawaan ang pagsasaling tekstong teknikal, tingnan ang isa pang halimbawa na isang maikling kwentong pambata. Pansinin ang mga salitang isinalin. The Lion and the Mouse Once when a lion, the king of the jungle, was asleep, a little mouse began running up and down on him. This soon awakened the lion, who placed his huge paw on the mouse, and opened his big jaws to swallow him. "Pardon, O King!" cried the little mouse. "Forgive me this time. I shall never repeat it and I shall never forget your kindness. And who knows, I may be able to do you a good turn one of these days!” The lion was so tickled by the idea of the mouse being able to help him that he lifted his paw and let him go. Sometime later, a few hunters captured the lion, and tied him to a tree. After that they went in search of a wagon, to take him to the zoo. Just then the little mouse happened to pass by. On seeing the lion’s plight, he ran up to him and gnawed away the ropes that bound him, the king of the jungle. "Was I not right?" said the little mouse, very happy to help the lion. MORAL : Small acts of kindness will be rewarded greatly.
Makikita sa salin na ito na may mga salitang ipinagsasa-Filipino lamang gaya ng Leon na isinalin galing sa ingles na Lion at ideya na galing sa idea, at may mga salita rin na hindi na mababago tulad ng moral. Ang Leon at ang Daga May isang leon, na naghahari sa kagubatan, ito ay natutulog, ang maliit na daga ay nagsimulang tumatakbo pataas at pababa sa kanya. Ilang sandali ay nagising ang Leon, inilagay niya ang kanyang malaking paa sa daga, at binuksan niya ang malaking panga upang ito'y lunukin. "Patawad, hari! " sigaw ng maliit na daga. "Patawarin mo ako sa ngayong pagkakataon. Hindi ko na iyon uulitin at hindi ko malilimutan ang iyong kabaitan. Kahit sino ang makakaalam, gagawin ko ang mga magagandang bagay bilang kapalit sa ginawa mong kabaitan sa araw na ito!" Nakikiliti ang leon sa ideya ng daga sa kanyang pagtulong na binitawan niya ang daga. Mayang-maya, may mga mangangaso na hinuhuli ang leon at itinali sa punongkahoy. Pagkatapos ay pumunta sila sa kanilang hinahanap na kariton para ihatid ito sa mga hayupan. Sa oras na sandaling iyon ay dumaan ang isang daga. Nakikita niya ang kalagayan ng leon, tumakbo siya at iningatngat niya ang lubid na nakagapos sa kanya, ang hari ng kagubatan. "Tama ba ang ginagawa ko? " sabi ng maliit na daga, na sobrang saya sa pagligtas ng leon. Moral : Ang paggawa ng maliit na kabutihan ay gagantimpalaan ng malaki.