Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at Kulturang Pilipino, Assignments of English Language

Ito ay mdyul sa Filipino na maaring makatulong sa distance learning.

Typology: Assignments

2019/2020

Uploaded on 12/19/2020

arianne-joyce-liberato
arianne-joyce-liberato 🇵🇭

2 documents

1 / 4

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
MAHALAGANG TANONG
Bakit mahalaga ang wika? Sa paanong paraan ito naging instrument ng mabisang pakikipagtalastasan
kapayapaan, at mabuting pakikipagkapwa?
SIMULAN NATIN
MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO
UNANG KWARTER
UNANG LINGGO
PANGALAN:______________________________________________
BAITANG:______________________PETSA:____________________
ARALIN 1:
PAKSANG ARALIN: MGA KONSEPTONG PANGWIKA
“Ang wika’y mahalagang instrument ng komunikasyon, makatutulong sa
pagkakaroon ng mabungang interaksyon”
LAYUNIN:
a. Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong
pangwika (F11PT-1a-85)
b. Nakikilala ang bagay o taong tinutukoy sa bawat pahayag
(PP11FC-1a-1.1)
c. Natutukoy ang kawastuhan o kamalian ng mga pahayag
batay sa binasa (PP11FC-1a-1.2)
d. Nakabubuo ng timetable ng mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng nagbigay-daan sa pagpapatibay sa Filipino bilang
wikang pambansa (PP11fc-1a-.3)
e. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling
kaalaman, pananaw at mga karanasan. (F11PS-Ib-86)
Naisip mo na ba ang maaring mangyari kung walang wika at hindi natin
naipapahayag ang sarili nang pasalita o pasulat man? Ano ang gagawin mo
para maiparating ang sumusunod?
Nais mo na maipaalam sa isang tao(maaring magulang, kaibigan, o
taong malapit sa puso mo) na mahal mo siya.
_________________________________________________________________
Nais mong malaman ng isang taong galit ka o hindi mo sinang-ayunan
ang mga bagay na ginawa niya.
_________________________________________________________________
pf3
pf4

Partial preview of the text

Download Modyul sa Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at Kulturang Pilipino and more Assignments English Language in PDF only on Docsity!

MAHALAGANG TANONG Bakit mahalaga ang wika? Sa paanong paraan ito naging instrument ng mabisang pakikipagtalastasan kapayapaan, at mabuting pakikipagkapwa?

SIMULAN NATIN

MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT

KULTURANG PILIPINO

UNANG KWARTER

UNANG LINGGO

PANGALAN:______________________________________________

BAITANG:______________________PETSA:____________________

ARALIN 1:

PAKSANG ARALIN: MGA KONSEPTONG PANGWIKA

“Ang wika’y mahalagang instrument ng komunikasyon, makatutulong sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon” LAYUNIN: a. Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT-1a-85) b. Nakikilala ang bagay o taong tinutukoy sa bawat pahayag (PP11FC-1a-1.1) c. Natutukoy ang kawastuhan o kamalian ng mga pahayag batay sa binasa (PP11FC-1a-1.2) d. Nakabubuo ng timetable ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng nagbigay-daan sa pagpapatibay sa Filipino bilang wikang pambansa (PP11fc-1a-.3) e. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan. (F11PS-Ib-86) Naisip mo na ba ang maaring mangyari kung walang wika at hindi natin naipapahayag ang sarili nang pasalita o pasulat man? Ano ang gagawin mo para maiparating ang sumusunod?  Nais mo na maipaalam sa isang tao(maaring magulang, kaibigan, o taong malapit sa puso mo) na mahal mo siya.


 Nais mong malaman ng isang taong galit ka o hindi mo sinang-ayunan ang mga bagay na ginawa niya.


 Nais mong humingi ng tulong sa iba para sa mahirap na kalagayan o problemang mayroon ka.


Batay sa iyong mga sagot, mahirap nga bang mawala ang wika? Ano-ano ang posibleng mangyari kung walang wikang nauunawaan ng lahat at ang bawat isa’y may wikang tanging siya lang ang nakauunawa? Maglahad ng tatlong hinuha.  ____________________________________________________________  ____________________________________________________________  ____________________________________________________________

Ang Wika

Isang napakahalang insatrumento ang wika. Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa. Nagkakaintindihan tayo , nakakapagbigayan tayo n gating mga pananaw o ideya, opinyon, kautusan, tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga mensaheng tumatagos sa puso at isioan ng ibang tao, pasalita ,man o pasulat gamit ang wika. Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika”o “lengguwahe”. Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito’y naging Language na siya na ring ginagamit na katumbas ng salitang lengguwahe

Alam Mo Ba?

Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Binubuo ito nang mahigit pitong libong pulo na mabibilang sa tatlong malalaking pangkat ng mga pulo sa bansa: Luzon, ang Visayas, at ang Mindanao. Dahil sa nasabing kalagayang heograpikal, hindi maiiwasang magkaroon tayo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong mag kanya-kanyang wika at dayalekto. Ito ang nagbibigay-daan sa napakaraming wika at dayalektong ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang opisyal na estadistika tungkol sa mga wika at dayalekto sa ating bansa ay hango sa Census of Population and Housing (CPH) na isinasagawa tuwing isang dekada ng National Statistics Office (NSO). Ayon sa datos ng CPH noong 2000, ay may humigit-kumulang 150 wika at diyalekto sa bansa. Tagalog ang nangungunang wika na ginagamit ng 5.4 milyong sambayanan pangalawa ang Cebuano/Bisaya?Boholano sa 3.6 milyong sambayanan; pangatlo ang Ilocano sa 1.4 mlyong sambayanan; pang-apat ang Hiligaynon/Ilonggo sa 1.1 milyong sambayanan. Maliban sa mga nabanggit ang iba pamg wika at diyalektong bumubuo sa samoung pinakagamiting wika sa bansa ay ang sumusunod: 5 Bikol 6 Waray 7 Kapangpangan (^8) Panggasinan o Pangalatok 9 Maguindanao at 10 Tausug. (Ang pinagbatayan sa estgradistikang ito ay ang Census of Population and Housing (CPH) noong 2000 sapagkat ang datos mula sa CPHng 2010 kaugnay ng wika at diyalekto ay hindi pa nailalathala. Masasabing hindi perpekto dahil na rin sakatagalan ng panahon kung kelan isinasagawa ang cencus subalit mahalaga pa rin ang datos na ito dahil sa ipinapahiwatig nito ang kalagayan ng mga wika at diyalekto n gating bansa.)

3. Bakit kaya nag maraming bansa sa mundo ay magkapareho o

magkasingkahulugan ang mga salitang lengwuhe o wika at dila? Bakit lagging

naiuugnay ang dila sa wika?

4. Ano-ano ang pagkakapare-pareho sa mga pagpapakahulugang binasa at

ibinigay ng iba’t ibang dalubhasa sa wika? Sa paanong paraan namn sila

nagkakaiba-iba ng pananaw?

5. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba ng Charles Darwin sa sinabi nyang, “hindi

tunay na likas ang wika sapagkat kailangn muna itong pag-aralan bago

matutuhan”? Ipaliwanag ang iyang panannaw.

6. Kung ikaw ang tatanungin, anong pagpapakahulugan ang ibibgay mo salitang

wika?

Isulat sa journal notebook ang sagot tanong na ito:

Bakit mahalaga ang wika? Sa paanong paraan ito magiging instrument ng

mabisang pakikipagtalastasan, mabuting pakikipag-kapwa, at kapayapaan?

Maglahad ng tig-iisang paraan.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Inihanda ni: Inaprubahan ni:

ARIANNE JOYCE P. LIBERATO ISABELITA I. CLEMENTE

Guro sa Filipino Punong Guro

Pagsulat ng

Journal