Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

masining_na_pagpapahayag_4, Study notes of English Language

figure of speech, masining na pagpapahayag

Typology: Study notes

2020/2021

Uploaded on 02/22/2021

jovenil-bacatan
jovenil-bacatan 🇵🇭

4.5

(4)

2 documents

1 / 20

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
FILIPINO 203
RETORIKA: Masining na Pagpapahayag
Arjake M. Torres
2nd Year - BSBA
Gng.Vilma L. Sobisol
Filipino 203- Teacher
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14

Partial preview of the text

Download masining_na_pagpapahayag_4 and more Study notes English Language in PDF only on Docsity!

FILIPINO 203

RETORIKA: Masining na Pagpapahayag

Arjake M. Torres

2nd Year - BSBA

Gng.Vilma L. Sobisol

Filipino 203- Teacher

A. ANG PAGSASALAYSAY

1. Kahulugan Sa payak na pakahulugan, ang pagsasalaysay ay isang pagkukuwento. Ito na marahil ang pinakamagamitin at pinakapopular na paraan ng pagpapahayag. Lahat tayo ay may masasaya at malulungkot na karanasan sa mga kwento na maaring napapakingan, isinasaysay, napapanood sa T.V o di kiya’y sa mga puting tabing bago pa man tayo natutong bumasa at sumulat. Ngunit hindi lahat ng salaysay ay mga kuwento tungkol sa makabuluhang karanasan ng tao. Dahil sa ang pagsasalaysay ay paglalahad ng mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod, ito ay maaring isang talaga historical o di kaya’y isang prosesong siyentipiko. Ang pagsasalaysay ay pagkukuwento na kung anu ang nangyayari kailan ito nangyari, paano at bakit ito nangyari at sino ang mga kasangkot dito. Ang kuwento ay maaring sa iyo mismo nangyari, sa ibang tao o di kaya nama’y sa ibang bagay inilalahad sa isang nobela kung ano ang mga nangyari sa tauhan. Ang pagsasalaysay ang pinakamadalas gamitin ng tao sa pang-araw-araw na pakikipamuhay. 2. Mga Sangkap ng Isang Salaysay o Katha Paksa. Karaniwang isinasagawa ang pagsasalaysay dahil may gustong ipahayag o sabihin ang nagsusulat o nagsasalaysay. Ang paksa ay dapat magkakaroon ng kahalagahan at kakintalan. Dapat na alam na alam ng sumusulat ang paksa may kahalagahan ito at malalim ang paksang tinatalakay. Nasa paligid lamang ang mga paksang maaring isalaysay. Ang mga karanasan ng tao, mga kaugnayan na damdamin ng pag-ibig, paghihiganti, pagpapatawad, pagpapasasakit, pagbabalik- loob, pagbabago at mga pakikipagsapalaran ay mga paksang kailanman ay hindi nagsasawang basahin o pakinggan. Mayaman din ang mga pahayagan, magasin at mga aklat sa mga paksa na kung pag-aaralang mabuti at bibihisan ng ibang istilo ang pagsasalaysay ay kawili-wili pa ring basahin. Maaaring sabihing gasgas na ang ganoon at ganitong paksa, ngunit ang luma mang paksa ay napagiging bago ayon na rin sa pamamaraan at istilo ng tagapagsalaysay. Tumataas ang uri ng pagsasalaysay sa tulong ng istilo at pansariling kakayahan tagapagsalaysay.

4. Sumulat ng Isang Halimbawa ng Pagsasalaysay PANGARAP NA MAKAPAGTAPOS SA PAG-AARAL Lahat tayo ay may pangarap sa buhay, noong bata pa ako gusto ko nang makapagtapos sa pag-aaral upang masuklian ko ang mga kabutihang ginawa ng aking ina sa aming magkakapatid. At ang pagnanais ko na maiahon sila mula sa kahirapang aming kinasasadlakan, ang kahirapang nagbunga sa pagkawasak ng aming pamilya. Musmos pa lamang ako ng kami ay iwan ng aming ama. Pumunta siya sa Maynila upang humanap ng ikabubuhay at doon makipagsapalaran. Ngunit sa hindi malamang dahilan ang aking ama ay hindi na nagbalik pa. Lahat ng kanyang responsibilidad ay naiwan sa aming butihing ina. Mag-isa niyang itinaguyod ang aming pamilya at pinalaki niya kaming magkakapatid na mabubuting tao at may takot sa Diyos. Pang-apat ako sa aming pitong magkakapatid, ang tatlong nakakatanda sa akin ay bumuo na ng sari-sariling nilang pamilya. habang ang tatlo naman na mas nakababata sa akin ay katulad ko na kasalukuyang nag-aaral. Dalawa kami sa kolehiyo at ang dalawang bunso ay sa sekondarya naman. Hindi sana ako makakapagpatuloy sa pag-aaral sa kadahilanang hindi sapat ang kinikita ng aking ina sa paghahanap-buhay upang matugunan ang mga pangangailangan naming magkakapatid. Dahil dito, nagdesisyon ako na maghanap-buhay upang kahit papaano ay makatulong ako sa mga gastusin sa aming bahay. Ipinaalam ko ito sa aking mahal na ina at agad naman niya itong sinang-ayonan ngunit iginiit niya na kailangan kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Sa kasalukuyan, nasa ikalawang taon na ako sa kolehiyo at ipinagmamalaki ko na isa akong manggagawang mag-aaral. Mahirap man ang mag-aral habang nagtatrabaho ay hindi naging balakid ito upang makamit lamang ang hinahangad kong diploma ng pagtatapos. Ang aking ina ang nagsisilbing inspirasyon ko upang ipagpatuloy ito, siya ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob upang ito'y mapagtagumpayan. Sa murang edad ay naikintal niya sa aking isipan ang kahalagahan ng edukasyon. Katulad ng karamihan sa atin, naniniwala ako na ang edukaayon ang susi sa tagumpay. Ito ang mag-aahon sa atin sa kahirapan.

B. ANG PANGANGATWIRAN

1. Kahulugan at Uri Ang pangangatwiran bilang isang anyo ng pagpapahayag ay naiiba sa paglalahad, pagsasalaysay at paglalarawan dahil layunin nitong hikayatin ang mga tagapakinig at tagabasa na tanggapin ang kawastuhan o katotohanan ng isang paninindigan o di kaya’y maimpluwensyahan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan g makatwirang pahayag. Ito’y isang paraan ng paglalahad na nagbibigay ng sapat na katibay o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala. Ayon kay Alejandro (1970) ang pangangatwiran ay pagpapakahulugan. Isinasaalang-alang nito ang mga bagay o pangyayaring alam at kilalana,o kaya’y inihaharap ang mga iyon sa pag uusap, at sa mga iyon ay humahango ng isang hinuha o kongklusyon. Sa pagmamatwid, ang kailangan ay katibayan. Upang patnubayan ang katotohan ng isang proposisyon. Katibayang magpapatotoo ang pangunang kailangan, at sa katibayang iyan hahango ng kongklusyon sa pamamagitan ng pangangatwiran. Totoong mahalaga sa pangangatwiran ang mga argumento na siyang bumubuo ditto. Ang argumento ay isang lohikal na paraan ng pagpapasang-ayon. Ang lohika ay agham na nagtuturo na makaalam at makaunawa. Kung ang lohika ay agham ang pangangatwiran nama’y isang sining. Ang Dalawang Uri ng Pangangatwiran

  1. Pangangatwirang pagbuod. Nagsimula ang pangangatwiran pagbuod sa mga halimbawa o maliliit na kaisipan at nagwawakas sa isang panlahat na simulain. Ang pamamaraang pabuod ay may tatlong uri ng sangay, gaya ng mga sumusunod. a. Pangangatwirang nagwawakas sa kongklusyon panlahat o paglalahat. Sa paglalahat, tayo’y gumagawa ng pagsusuri ng iaang halimbawa ng bagay na napapaloob sa isang pangkat o kaurian, at batay sa pagsusuring iyan, nagpapahayag tayo g isang kongklusyong maikakapit sa buong pangkat o kaurian. Halimbawa, kung susuriin nattin ang edad ng mga babae noong sila’y nagasawa sa kalakhang Maynila, sa 1000 bilang ng mga babae na pasumalang pinili at gayon ding laki ng bilang ng mga babaeng nag-

ang pangangatwiran ay mahina sapagkat hindi isinasaalang alang ang pagkakaiba ng mga pangyayari at kalagayan ng dalawang baryo.

  1. Pangangatwirang pangsaklaw. Sa pangangatwiran pangsaklaw, ang isang masaklaw na katotohanan ay ikinakapit sa isang tiyak na katotohanan at ikinakapit sa isang tiyak na pangyayari. Ayon pa rin kay Alejandro (1970) ang ganitong uri ng pangangatwiran ay naipapahayag sa pamamagitan ng silohismo. Ito ay binubuo ng tatong magkakaugnay na pangungusap; pangunahing batayan ( major premise), isang pangalawang batayan ( minor premise) at isang kongklusyon na batay sa dalawang batayan o premise. Ang silohismo ay isang payakk na balangkas ng pangangatwiran na malaki ang naitutulong sa pagtiyak ng kabisaan ng pagmamatwid. Dalawang katangian ang dapat taglayin ng isang silohismo ito’y dapat na maging totoo at mabisa. Ang silohismong- Pangunahing Batayan: Pararangalan ang lahat ng tumulong sa mga nasunugan. Pangalawang Batayan : Tumulong si Andrew sa mga nasunugan Kongklusyon : samakatuwid, pararangalan si Andrew. Ito ay mabisa sapagkat ang kongklosyon ay maliwanag na nag-uugnay sa pangunahin at pangalawang batayan. Sinasabi ni Alejandro (1970) na kung ang ipinapahayag ng kongklusyon ay pahiwatig na napapaloob sa mga batayan mabisa ang silohismo. 2. Ang Pagmamatwid at ang Pagtatalo Ang pagkamatuwid ay isang anyo ng diskors na may layuning makahikayat ng iba sa pamamagitan ng pangangatwiran upang paniwalaan gawin ng mga tagapakinig o mambabasa ang nais niyang paniwalaan o gawin nila. Ang pagmamatuwid ay maaring pasalita o pasulat. Mahalagang sangkap ngpagmamatuwid ang paggamit ng katuwiran at ang layuning mapaniwala o mapakilos ang iba ayon sa ibig nating mangyari. Ayon kay Arrogante (2000) pagtatalo ay isang sining ng gantihang-ktwiran o mtuwid na dalawa o higit pang nagkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal.

Ang pagkamabisa ay tumutukoy sa tibay ng pagmamatuwid, kahit na hindi totoo ang pinapahayag ng mga batayan o ng isa sa mga ito. Mahirap makagawa ng anumang kongklusyon kung walang isang terminong napapaloob sa dalawang batayan. Ito ang tinatawag na panggitnang termino ito’y napapaloob sa isa sa mga termino ( pangnaguri ng punong batayan) samantalang kinapapalooban naman ng natitirang termino ( simuno ng anagakawang batayan) ang terminong simuno ng kongklusyon ay tinatawag na pangalawangang termino at an terminong panguri ng kongklosyon ay tinatawag naming punong termino.. Huwaran: Pangunahing Batayan: Ang lahat ng A ay B Pangalawang batayan: Ang K ay A Kongklusyon: Ang K ay B Halimbawa Ang lahat ng senador ay iimbistigahan. Si gringo Lacson ay isang senador Samakatuwid, si Gringo Lacson ay iimbistigahan Sa oras ng paghatol, ang panig na sang-ayon ang siyang bigat ng pagpapatibay at ang panig ng salungat ang siyang may bigat na pagtuligsa.

3. Mga Gamiting Ekspresyon/Pahayag sa Isang Pagtatalo Narito ang ilang gamitang ekspresyon na makatutulong nang malaki para sa mabisang pakikilahok sa isang pagtatalo. Paglalahad ng isang argumento a. Pagsisimula ng paglalahad “ nais kong…’’ ‘’ kung hindi ninyo ikakagalit…’’

Paglalahad ng Opinion a. Sa pagtatanung ng opinion “ Nais kong hingin ang iyong opiniionl palagay sa…” “anu ang iyong opinion sa …” “mangyaring ilahad ang sariling opinion sa…” “Ibig kong marinig ang opinion mo sa …” b. Pagkuha ng reaksyon ng iba “ alin ang inapanigan mo sa …” “ maari bang makuha ang iyong reaksyon…” “saan ka talaga lulugar kaugnay sa isyung…” “mangyaring ilahad mo ang iyong panig…” c. Pagbibigay ng neutral na opinion “ sa ganang akin…” “kung ako ang tatanungin…” “sa tingin ko…” “kung hindi ako nagkamali…” d. Pagbibigay ng matatag na opinion “ lubos kong pinapanigan…” “buong kiting kong sinusuportahan ang …” “ labis kong naniniwaa…” “Kumbinsado ako…” e. Paghingi ng opinion “ ibg kong margining ang iyong opinion tungkol sa” “ anu naman ang masasabi mo sa…” Paglalahad ng pagsang ayon at pagsasalungat a. Pagsang ayon ng lubusan “ lubos akong nananalig…” “sang ayon ako sa…” “kaisa m ako sa bayaging iyan…” “maaasahan mo ako riyan…” “bilib ako sa iyong sinasabi…” b. Pagsangayon na may pagsubali “ sinasang-ayunan kita, subalit…” “medyo pinabilib mo ako riyan…” “ganoon nga iyon, pero…”

c. Pagsalungat ng lubusan “ Hindi ako naniniwala riyan…” “Diyan tayo hindi magkakasundo…” “ Maling-mali talaga ang iyong…” “ hindi ko matatanggap ang iyong pagpapatotoo…”

4. Sumulat ng Isang Halimbawa ng Pangangatwiran Alin Ang Mas Mainam na Disiplina sa Anak, Pangaral o Pamalo? Sabi nila, buti pa ang mga bata noon, disiplinado. Bahay at eskwela lang ang kanilangmundo. Ang kanilang gawain ay ang mag-aaral at tumulong sa mga gawaing bahay. Ngayon, karamihan sa mga bata ay madalas na nasa labas ng bahay, gala rito at gala roon. Kaya nga maraming napapabalitang mga bata na napapahamak. Bihira na lang rin silang mag-aral. Para sa kanila, makapasalang ay ayos na kahit pa sabihing ang kanilang grado ay pasang-awa lang. Hindi na nga nakakatulong sa bahay ay nagiging sakit pa ng ulo. Syempre, hindi ito hinahayaan lang ng mga magulang. Marapat na habang bata pa lang ay madisiplinana upang sa kanilang paglaki ay hindi sila mapariwara. May dalawang istilo na ginagamitang mga magulang, ang pagbibigay ng pangaral o sermon at ang pamamalo. Noon pa man ay ginagamit na ang istilong pamamalo sa pagdidisiplina sa mga bata at may mga iba na ginagamit pa rin ito hanggang ngayon. Maski nga sa mga eskwelahan noon ay ganito ang sistema. Mas madadala umano ang mga bata sa ganitong paraan. Kapag sila’y pinalo, hindi na nila uulitin ang kanilang ginawa dahil sa takot na paluing muli. Subalit sa kabila nito, ano ang natututuhan ng bata? Ang maging disiplinado upang hindi mapalo? Ang mag-aral para makasagot sa tanong ng guro at hindi mapalo? Nasaan ang aral doon? Kaya nga nariyan ang pagbibigay ng pangaral, mula sa salitang-ugat na ‘aral’. Ito na ang ginagamit ng mga magulang sa ngayon pagdating sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Sa ganitong paraan, mauunawaan ng mga bata kung bakit nagalit ang kanilang mga magulang. Mapagtatanto rin nila na mali nga ang kanilang ginawa. Higit sa lahat, alam na nila ang hindi at dapat nilang gawin sa susunod. Sa panahon ngayon, may mga magulang na pinapairal pa rin ang pamamalo. Ayon sa kanila, pasok sa isang tainga at labas sa kabila lang naman ang ginagawa ng mga bata kapag sinesermonan. Subalit sa aking pananaw, mas mainam na disiplinahin ang bata sa pamamagitan ng pangaral. Ang pamamalo ay sa pisikal lamang napagbibigay ng leksyon. Ang mga bakas ay humihilom at nawawala.Samantalang ang panenermon ay nakakaapekto sa ispiritiwal na kalikasan ng bata. Kaya naman sa tuwing gagawa siya ng mali, nariyan ang kaniyang mabuting konsensya na magpapaalala sakanya. Isa pa, makakatulong ito upang matamo ang kanilang kaganapan pagdating sa pagdedesisyon.

Sapat na ba ang panimula? Oo hindi Alamin ang anong sanggunian sa aklatan ang magagamit para sa nalimitahang paksa at maghanda ng panimulang talasanggunian marami bang magagamit na bagong aklat at artikolo? Oo hindi Pagyamin pa ang panmulang talasanggunian Magbasa at kumuha ng tala upang lubusang malaman ang Paksa Marami ka na bang alam at maipopokus mo na s sang nilimitahang aspekto ang paksa oo hindi bumuo ng panimulang pahayag na tesis at bmuo rin ng panimula ng balangkas ipagpatuloy ang pagbabasa at pagkuha ng tala

mayroon ka na bang sapat na tala, impormasyon, at mga idea? Oo hind Baguhin ang panimula, pahayag na tesis at ang panimulang balangkas. Isulat ang draf ng katawa ng sulatin Isulat ang draf ng pambungad at konklusyon Isulat na muli ag kabuuan o bahagi lamang ng sulatin Nasiyahan ka? ( tandaan na limitado lamang ang iyong oras) Oo hindi Magdagdag ng mga banggit at talasanggunian? Kompleto ba ang mga banggit at ang talasanggunian? Oo hindi iedit ang papel para sa ma kamalian (e.g pagbabanghay, Paggamit ng mga pananda

may personal na kampyuter ngunit marami naming mauupahan o di kaya nama’y maaaring manghiram.  Piliin ang paksa na may sapat na malilikom na datos May paksang kahit na kawili-wili ay magdadalwang isip ang pananaliksik kung seseryusohin ito. Bakit? Hindi tiyak kong may sapat a pagkukunan ng datos. Sa kalahatan, tandaan na ang pagpiling paksa ay itong may nakikita kang tunay na kahalagahan sa iyo. Maaring iyong paksang gusting-gusto mong matutunan nang lubusan ngunit wala kang sapat na panahon na pag aaralan ito, o di kaya’y isang paksa na alam mong agiging nakabuluhan sa mga darating a araw para sa mga espesyalisadong gawaing akademiko na iyong haharain

4. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliograpi Pagkatapos malimitahan ang paksa ang susunod na dapat gawin ay ang talaan ng pasalamantalang bibliograpi. Ang paghahanda nito ay isang patuloy na proseso .kapag sinimulan muna ang pagbabasa at pangangalap nang inpormasyon sa paksang susuatin, mapapansin mong mabilis ang pagdami ng bilang ng aklat na iyong mapagsasanggunian. Gayunman, tiyakin na anumang aklat o impormsyong isasama sa talaan ay iyong may kaugnayan sa paksa. Kapag nakalikom ka na ng inisyal na sampu o higit pa sa rito sa iyong taaan. Alaminmuna kung ito’y matatagpuan sa laybrari. Hindi mo kailangang basahin nang mmasinsinan ang mga aklat Masinsinan ang mga aklat o artikulong nasa iyong talaan. Subalit mahalagang basahin ang mgaito kahit na pahapyaw lamang upang makatiyak na may kaugnayan ito sa paksa.

5. Ang Pormat ng Sulating Pananaliksik 6 na espasyo mula sa isang pulgadang margin PAMAGAT 6 na espasyo INIHAHARAP NI 2 espasyo Kay 6 na espasyo Petsa

John Paul B. Morales Filipino 102 B Professor Lilia Epino 10 Oktubre 2001 2 espasyo Euthanasia: Pagkaawa o Pagpatay? 2 espasyo 5 espasyo Sa maluwag na pagkakahulugan, ang euthanasia ay maaring sabihing “ magandang pagkamatay”. Ngunit sa kasalukuyan mga pangyayari, ito nangangahulugan ng kusang, pagputol ng paghinga ng isang taong matagal nang nanghihirap sa isang wala nang lunas na karamdaman.