Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Masining na Pagpapahayag, Lecture notes of English Language

figure omamasiningf speech masining na pagpapahayag

Typology: Lecture notes

2020/2021
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 02/22/2021

jovenil-bacatan
jovenil-bacatan 🇵🇭

4.5

(4)

2 documents

1 / 198

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
RETORIKANG PANGKOLEHIYO
Batayang Aklat sa Filipino-2
Inihanda ng Kagawaran ng Filipino
Technological University of the Philippines, Manila
1
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16
pf17
pf18
pf19
pf1a
pf1b
pf1c
pf1d
pf1e
pf1f
pf20
pf21
pf22
pf23
pf24
pf25
pf26
pf27
pf28
pf29
pf2a
pf2b
pf2c
pf2d
pf2e
pf2f
pf30
pf31
pf32
pf33
pf34
pf35
pf36
pf37
pf38
pf39
pf3a
pf3b
pf3c
pf3d
pf3e
pf3f
pf40
pf41
pf42
pf43
pf44
pf45
pf46
pf47
pf48
pf49
pf4a
pf4b
pf4c
pf4d
pf4e
pf4f
pf50
pf51
pf52
pf53
pf54
pf55
pf56
pf57
pf58
pf59
pf5a
pf5b
pf5c
pf5d
pf5e
pf5f
pf60
pf61
pf62
pf63
pf64
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download Masining na Pagpapahayag and more Lecture notes English Language in PDF only on Docsity!

RETORIKANG PANGKOLEHIYO

Batayang Aklat sa Filipino-

Inihanda ng Kagawaran ng Filipino

Technological University of the Philippines, Manila

PAUNANG SALITA

Ang RETORIKANG PANGKOLEHIYO ay nagkaroon na ng malaking pagbabago at pagdaragdag na ginawa sa layuning maiagpang ang aklat sa bilis na takbo ng panahon at mga pangyayari. Layunin din ng aklat na ito na makatulong sa mag-aaral na madagdagan ang kaalaman hinggil sa mabisang pakikipagtalastasan bilang karagdagan sa Filipino I na kinukuha ng lahat ng kurso sa kolehiyo. Kailangang mag-ibayo ang kasanayan sa pakikipagkomunikasyon upang maharap ang hamon ng mga pagbabago at kaunlaran sa mabilis na pagsulong ng daigdig, Kung kaya’t nagkaroon na ng mga pagsasanay sa aklat na ito upang maging mabilis at makabuluhan ang pag-aaral ng kursong ito. Ang aklat na ito ay inilaan para sa teknikong mag-aaral. Pangunahing layunin. nito na matugunan ang malaking pangangailangan sa makabagong kalakaran sa pagtuturo ng mga kursong pantekniko. Ang aklat na ito’y nahahati sa anim na yunit na inilahad sa magaang paraan. Naglakip din sa aklat ng halimbawa sa pagsusuri’t kritisismo ng iba’t ibang akdang pampanitikan na magsisilbing huwaran ng mga mag-aaral sa kanilang paggawa. Mahalagang nilalaman ng aklat na ito ang tungkol sa mga saligang kaalaman sa wikang Pambansa at ang paksang pantekniko bilang lunsaran sa paglinang sa iba't ibang paraan ng pagpapahayag na malinis , maaayos, disente at nagtuturo ng mga may kabuluhang mga uri ng pakikipagkomunikasyon. Tungo sa mabisang pakikipagtalastasan, ang aklat na ito'y binubuo ng mga aralin para sa higit na ikauunlad ng mga mag-aaral hindi lamang pang-intelektwal gayun na din sa paghubog ng kanyang katauhan upang maging higit na kapaki-pakinabang sa uri ng lipunan na kanyang gagalawan. Ang bawat bahagi ay may mga halimbawa na may kinalaman sa Balarila at Retorika bilang pantulong sa paglinang sa mga kasanayang pangwika. Sa lahat ng may-akda ng mga aklat sanggunian na ginamit, ipinararating ng mga may akda ang taos puso nilang pasasalamat. Ang mga may-akda: Marcelo B. Apar Mario C. Climaco Thelma C. Serrano Rosario V. Nicdao George R. Ramisan Ricardo G. Origenes Ferdinand D. Piñon

1.2 Nagtatag ng paraang nagtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang pagkakatugma ng mga salita sa paraang tuluyan o prosa. 1.3 May mga sariling prosang maikli ngunit eleganteng pangungusap na mayaman sa historya at pilosopiya.

  1. Ayon kay Aristotle ( 384-322 B.C.): “ Ang retorika ay kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na mga paraan sa paghimok.” 2.1 Sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat. 2.2 Binigyan ng parehas na empasis ang ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang isipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig. 2.3 Inihiwalay niya ang retorika sa formal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ng ayon sa maaaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. 2.4 Nilikha niya ang ang ideya ng probabilidad o malamang na mangyayari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipang: ang enthymeme kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na silohismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang halimbawa o analodyi para sa pangangatuwirang induktibo.
  2. Ayon kay Cicero ( 106-43 B.C.): “Ang pagtalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpapasiya ng orador at sapat na kaalaman sa retorika na magsasa-alang-alang sa isyu ng moralidad upang maging magaling na mananalumpati.” 3.1 Ipinamana sa larangan ng oratoryo ang forensic na naging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Ano ang nangyari? 3.2 Iniwan din niya ang oratoryong deliberative o politikal na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Anong aksyon ang ating gagawin? Dito sinasabing

nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko. 3.3 Siya din ang nagpasimula ng oratoryong panseremonya o epideictic na kakitaan ng mga mabulaklak at mga madamdaming pananalita. Karaniwang bibinigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag sa Ingles na declamation.

  1. Ayon kay Richard Whatley – “Ang sining ng argumentong pagsulat.” 4.1 Sining ng diskurso, pasulat man o pasalita 4.2 Ang kapangyarihang makapagbigay-saya o lugod. 4.3 Mapagkunwari o kalabisang pagmamagaling sa paggamit ng wika. B. Iba pang katangian ng Retorika
    1. Ang sining ng tuluyan na kaiba sa panulaan
    2. Istratehiyang ginagamit ng isang nagsasalita /manunulat sa pagsisikap na makipagtalastasan sa isang tagapakinig.
    3. Nanatili ang retorika dahil sa kayamanan at kaibahan ng wika. Kung ang isang pahayag ay maipapahayag lamang sa isang paraan, di magkakaroon ng retorika.
    4. Ang retorika ay sining ng mabisang pagpili ng wika pagkat may iba’t ibang pamimilian o alternatibo. Hal. Pinanggalingan ng salitang laconic (katimpian sa pagsasalita) C. Relasyon ng Balarila at Retorika Dalawa ang masasabing sangay ng mabisang pag-aaral ng karunungang pangwika: ang balarila at retorika. Nagbibigay-linaw, bisa at kagandahan sa pahayag ang retorika, samantalang nagdudulot ng kawastuan sa pahayag ang balarila. Ang pag-uugnayan ng mga salita sa parirala, sugnay at pangungusap ng pahayag; mga tamang panuring, mga pang-ugnay, mga pokus ng pandiwa at iba pa para sa kaisahan at kakipilan ng mga pangungusap ay naibibigay rin ng balarila. Nababawasan ang kalinawan at pagiging kaakit-akit ng isang pahayag kung hindi wasto ang tungkulin at ugnayan ng mga salita. Samakatwid, ang relasyon ng balarila at retorika ay napakahalaga upang makamit ang mabisang pagpapahayag.

Ang Dalawang (2) Paraan ng Pagpapahayag May dalawang (2) paraan ng pagpapahayag ang tao: una, pasalita, at pangalawa ay ang pasulat. Pasalita ang pagpapahayag na maaaring isagawa nang harapan o lantaran at malapitan, dili kaya ay hindi malayuan. Pasulat naman ito kung ibinabahagi ang mga kaalaman, paniniwala, mithiin at saloobin sa pamamagitan ng pagsasa-akda, mapalimbag man ang mga ito o hindi. Ang Retorika Ang kaalaman sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat, ang itinatawag sa retorika. Mabisa ito sapagkat maayos, malinaw, maengganyo at magandang pakinggan o basahin ang pagsasabi. Isinasaalang-alang dito hindi lamang ang mga kaalamang gustong ibahagi, gayundin ang mga kaalamang pang-wika gaya ng palatunugan at palabigkasan kung pasalita, ng palabaybayan at palabantasan kung pasulat, bagkus at lalo’t higit, yaong matimbang na pagpili at tamang paggamit ng mga salita, at ang maingat at lohikal na pagbuo ng mga kaisipan – mapasapangungusap o mapasatalata. Ang mga Layunin sa Maretorikang Pagpapahayag Si Emily Dickinson, isang makatang Ingles, sa kanyang tulang Patay na ang Salita (salin) ay nagsabi nang ganito: Patay na ang salita pag ito’y tinuran, sabi ng ilan, Wika ko ito’y nagsisimula pa lamang mabuhay sa araw na iyon. Kung pakaiintindihin ang pinakakahulugan ng nabanggit na tula, dito mahihinuha ang pinakalayunin ng maretorikang pagpapahayag: ang pagbuhay sa mga salitang sinasabi.

Di kaila sa lahat na may mga taong kapag nagsimulang magsalita, napapamata, kung hindi naman, napapatunganga ang mga tagapakinig sa mahika ng kanyang pagbibitiw ng mga salita, gaano man kahaba ng kanyang sandaling pagharap sa mga kinakausap. Samantala, mayroon din naming sa kinaikli-ikli ng sinasabi, walang matimong anuman sa hinagap ng mga tagapakinig kundi bagot at antok kaya naman ang paghikab ay hindi mapigilan. May ilang pangunahing kadahilanan ito: Una, maaaring may diperensya ang boses, parang tunog ng makina ng mga pampasadang sasakyan, monotono, nag-aanyaya ng tulog. Pangalawa, tuod ang pisikal na kaanyuan habang nagsasalita, parang punong-kahoy na gabagyo man ang hangin ay hindi matinag, Nakatutok man ang tingin ng mga tagapakinig sa nagsasalita sila ay napapagod at napapapikit. Pangatlo, kawalang pamamaraang makapukaw-isip gaya ng paggamit ng mga salitang mapang-akit kaya nakapansesebo ng utak, nakakamanhid ng tainga. Ang mga ito ang sanhi ng krimen, ang pagpatay sa salita, ang pagpatay sa interes ng mga tagapakinig. Halimbawa, magmasid sa loob ng simbahan sa oras ng misa, lalo’t hinuhomilya ang salita ng Diyos. Hindi ba’t sinasabing buhay ang salita ng Diyos? Pero bakit inaantok ang mga deboto? Bakit sa halip na makinig ay alumpihit sila? Bakit hindi nila kainteresan at maintindihan ang mga salita? Dahil ang nagbubukambibig ng mga ito ay walang kaalaman sa retorika, tuloy, namamatay ang salita ng Diyos nang walang kapararakan. Samantala, sa parte ng isang manloloko ng Tupperware, dahil sa kahusayan niyang mag-salestalk, sa maakit niyang pananalita, nakukuha niyang bumili ang maraming ginang ng kanyang paninda. Nabubuhay niya ang kanyang pananalita sa bisa ng retorika. Sa maikling pananalita, samakatwid, nilalayon sa retorika ang mga sumusunod:

  1. Maakit ang interes ng kausap na tutok ang atensyong makinig sa nagsasalita.
  2. Masanay sa pagsasalitang may kalakasang tinig, dating ng gilas, may pagpiling kaangkupan at panlasa ang ginagamit na salita, at may kalinawan ang bigkas.
  3. Maliwanag na maipaintindi ang mga sinasabi.

natural na idiomang kilala sa kultura, masasalaming tiyak dito ang pagkalahi ng tagapagpahayag. Kahalagahang Panrelihiyon Salita ang puhunan ng mga pari at ministro ng alinmang sekta ng relihiyon sa kanilang pagpapalaganap ng pananampalataya. Nakasalalay sa kanilang pananalita at ma-engganyong pagsasalita ang tagumpay ng kanilang misyon at nila mismo bilang relihiyosong lider. Pinakapopular na halimbawa nito ang pundador ng El Shaddai , si Mike Velarde. Madali niyang mapasanib sa kanyang grupo ang ibang tao gawa ng natural niyang punto at mababaw-ligaya na pa-biru-biro sa pagsasalita na kina- iidentipikahan ng sinumang nagkakainteres dahil hindi siya naiiba sa kanilang pandinig na tulad nila na galing saan mang probi-probinsiya kaya madali nilang madama at maintindihan ang pagsasalita at sinasalita. Kaya naman, di maitatatwa ang tagumpay ni Mike Velarde sa larangang kanyang piniling kasangkutan. Kahalagahang Pampanitikan Si Jun Cruz Reyes, isang premyadong kuwentista at nobelista, sa kanyang mga akda ay matapat na nagsisiwalat ng mga karaniwang kuwento tungkol sa buhay-masa at isinasalarawan niya ang mga pangyayaring sadyang nagaganap sa tunay na kalakaran ng lipunan nito. Ang gamit niyang wika at ang istilo ng kanyang pagpapahayag sa kanyang mga paksa ay parang buhay sa personalidad ng kanyang mga tauhan at sa kapaligirang kanilang ginagalawan. Sa kabisaan ng kanyang pamamaraan sa pagsulat, nakuha ng kanyang mga mambabasang simpatiyahan at empatyahan ang kanyang mga obra. Kaya naman ang tagumpay niya sa larangang ito ay di-matatawaran. Kahalagahang Pang-ekonomiya Mangyari pa, ang katulad nina Mike Velarde at Jun Cruz Reyes ay hindi lamang naging maunlad sa pinili nilang propesyon, lalo’t higit sa lahat, sa kanilang kabuhayan at pananalapi. Sa pagdami ng mga mananampalataya ni Mike Velarde, hindi nalilihim dahil nadidyaryo na masagana na rin ang biyayang kanyang natanggap, Nakamtan ito sa pamamagitan ng mabisa at kapani-paniwalang pagpapahayag sa madla ng mga hinahanap nitong pamuno sa kawalan.

Sa pagkakakilala naman kay Jun Cruz Reyes bilang batikang manunulat, nagkabolyum ang benta ng kanyang mga aklat, nagkapuwang siya sa akademikong lipunan sa pamamagitan ng pagtuturo at siyempre pa, sa mga opisyal na pagsasalita sa mga kapulungan tulad ng mga seminar dito at sa labas ng bansa. Di na kailangang sabihin pa, pinalaki nito ang kanyang ginhawa at kita. Kahalagahang Pangmedia Ang nga artista sa teatro, telebisyon at pelikula, gayundin, ang mga personalidad sa iba’t ibang media ay nakararating sa rurok ng kanilang tagumpay sa pamamagitan ng mga katangi-tangi nilang pagsasalita at kaakit-akit nilang boses na humubog sa kanilang personalidad para makilala ng madla. Ito ang nagsilbing puhunan nila sa pag-unlad. Walang lubay silang sinusubaybayan, sampu ng kanilang mga proyekto at programa, ng kani-kanilang kampo ng mga tagahanga. Si Noli de Castro at Rey Langit sa kakaiba nilang prodeksyon ng pagsasalita. Sina Rosa Rosal, Nora Aunor, Chanda Romero, Chin Chin Gutierrez, Lolita Rodriguez, Jacquelyn Jose, Tommy Abuel, Jonee Gamboa, Vic Silayan, Vic Diaz, Pen Medina, Eddie Infante, at marami pang ibang kilalang artista na hindi lamang tumanyag dala ng kanilang magaling na pag-arte, bagkus sa maliwanag at sa mabisang pagdidiyalogo. Kahalagahan Pampulitika Kapansin-pansing marami sa mga matagumpay ngayon sa larangan ng pulitika ay likas ng personalidad at popularidad. Isa na ang dating Pangulo ng Pilipinas, Joseph Estrada, na dating isang artista. Sanhi ito ng pagkakagagap niya sa pulso ng masa. Ang mga kasaysayang nilabasan niya sa pelikula ay naglalarawan ng buhay-masa. Ang kanyang pagsasalita at pananalita gamay ng masa. Ang kanyang islogan ay ugnay sa masa: Erap para sa mahirap. Sa kaparaanan niyang ito naluklok siya sa trono. Maraming batikang pulitiko ang namumuhunan sa maretorikang pagpapahayag. Sa sandali ng kanilang pangangampanya, kapana-panabik ang pagbitiw nila ng mga pananalita, lalo’t naglalaman ng mga platapormang mapangako sa mga kalagayang naghihintay sa pagbabago. Kaengka-engkanto ang kanilang mga itsura habang nagsasalita na kinadadamhan ng marami ng pagtitiwala kaya naman ibinibigay sa kanila ang sagradong boto, tuloy nananalo sila at nakapangyayaring makapangyarihan

Yunit II- PAGGAMIT NG SALITA , MABISANG PANGUNGUSAP AT TALATA Sapagkat ang Retorika ay nahahati sa dalawang kawastuan ( kawastuang pambalarila at kawastuang pang-retorika ) ay atin munang pag- aralan ang kawastuang pambalarila upang maiwasan ang mga simpleng pagkakamali ng mga gamit ng mga salita, pangungusap at mga talata. PANANALITA Ang pananalita ay kapangyarihan o kakayahang makapili ng mga salitang magpapahayag ng kuru-kuro at damdamin ayon sa kalinawan, bigat at kagandahan ng pagpapahayag. Ang pananalita, sumakatwid, ay may tatlong katangian: malinaw, upang madaling maintindihan; mabigat, upang madaling paniwalaan; at maganda, upang kalugdan. Ang isang pahayag ay malinaw kung ito’y binubuo ng mga salitang magkakaugnay, kung ang bawat salita ay may tiyak na kahulugang hindi sukat mapagkakamalan , kung ang mga ito’y may wastong bigkas kung pasalita at wastong baybay kung pasulat. Kailangan natin ang kalinawan sa pagpapahayag sapagkat mawawalan ng saysay ang ating mga pangungusap kung hindi tayo mauunawaan. Ang kahalagahan ng lahat ng pahayag ay nasa pagkamadaling- unawain ng ating sinasabi. Sinasabing mabigat ang isang pahayag kung nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:

1. Kung batay sa katotohanan at hindi mahuhulihan ng kabulaanan o kasinungalingan pagkaraan ng ilang panahon. May mga pahayag na himig totoo, ngunit natutuklasang walang batayan pagkatapos. Ang mga pahayag na pasukdol o eksaherado ay malimit na walang batayang katotohanan. 2. Kung galing sa isang dalubhasa at hinggil sa pinagkakadalubhasaan. Ang nag-aaral ay nagiging madalubhasa rin kung iilagan ang pagpapahayag hinggil sa mga bagay na hindi alam. Maging dalubhasa sa mga salitang pang-edukado o pampanitikan at hindi mga salitang pang-kalye o salitang “Language of the Street” ( Salitang Kanto, Salitang Lasing, Sward Speak o mga salitang Kabaklaan.) na inuri ni Nick Joaquin. 3. Kung pinagkakakilanlan ng katapatang loob ng nagpapahayag. Ang karangalan ay madaling makilala sa may taglay na karangalan. May

kredebilidad ang sumusulat at hindi naka-base lamang sa tsismis at kabalahurahan ang mga uri ng mga salita na ginagamit.

4. Kung nagpapahalaga sa mga karanasan at pananampalataya ng tao. Ang pamumuna ay hindi masama kung ang hangad, sa kabila ng puna, ay palabasin kung ano ang mabuti at maayos at hindi makapanira lamang. Isinasaisip kung ang mga salita na ginagamit ay maayos at nararapat sa uri o estado ng nakikinig o nagbabasa. Hinihingi ng kagandahan sa pagpapahayag ang katutubong pagtutugunan ng kahulugan at tunog ng salita, ang kaluwagan ng bigkas at kataliman o katayugan ng diwa. Ang nalulugod na pagsasama-sama at pagsusunud-sunod ng mga parirala at pangungusap ay nagbibigay rin ng kagandahan. Ang mga salitang maindayog, maharaya, matalinghaga, o matayutay ay tumutulong sa kagandahan ng pananalita. WASTONG GAMIT NG SALITA: May mga salita tayong sa tingin ay maaaring magkapalit ng gamit. Gayunman, kapag sinuring mabuti ay mauunawaang may pagkakaiba ng gamit ang mga ito at hindi dapat na pagpalit ng gamit sa pangungusap. Dahil dito, pag-aaralan ang ilang salita sa kanilang wastong gamit. 1. pinto, pintuan Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan. Ang pintuan (doorway) ay kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bukas na ang pinto. Halimbawa: Binuksan niya ang pinto upang makapasok ang mga bagong dating. Hindi pa naikakabit ang pinto sa pintuan. 2. hagdan, hagdanan Ang hagdan (stairs) ay may mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay. Ang hagdanan (stairways) ay bahagi ng bahay na kinalalagyan ng

Halimbawa: Iwan na natin siya sa bukid at saka na lamang siya sumunod bukas ng umaga. Iiwanan ko siya ng perang magagamit niya sa pagbili ng aklat na gagamitin niya sa klase.

6. sundan, sundin Ang sundin (follow an advice) ay nangangahulugang sumusunod sa payo o pangaral ngunit ang sundan (follow where one is going; follow what one does) ay nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba. Halimbawa: Hindi niya sinunod ang payo ng kanyang mga magulang kaya siya napahamak. Susundan ko si Fely sa ilog. Sinundan niya ang pagiging manunulat ng kanyang ama. 7. hatiin, hatian Ang hatiin (to divide) ay partihin o bahagihin ngunit bigyan ng kaparte ang hatian (to share with). Halimbawa: Hinati niya sa dalawang bahagi ang inani ng kamatis sa bakod. Hinatian mo ba ng pinitas mong mangga ang kapaid mo? 8. walisin, walisan Ang walisin (to sweep the dirt) ay tumutukoy sa bagay samantalang tumutukoy sa lugar ang walisan (to sweep the place). Halimbawa: Winalis niya ang mga tuyong dahong na nalaglag sa lupa. Nakalimutan niyang walisan ang likod-bahay nila.

9. ikit, ikot Ang ikit ay pagligid na paloob o mula sa labas ng kabilugan patungo sa loob;ngunit ang ikot ay pagligid na palabas o mula sa loob ng kabilugan patungo sa labas. Halimbawa: Nakailang ikit din siya sa paligid ng bahay bago niya natunton ang butas papasok sa loob ng bakuran. Umikut-ikot muna siya sa bakuran bago nakalabas. 10. operahin, operahan Ang operahan ay pagtistis sa organo ng katawan samantalang pagtistis sa tao ang operahan. Halimbawa: Ooperahan ang puso ni Aling Dolor sa Heart Center. Inoperahan si Tony sa PGH. 11. tungtong, tuntong, tunton Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali; ang tuntong ay payak o gawa ng yapak at ang tunton ay bakasin o hanapin ang bakas. Halimbawa: Hindi makita ni Aling Nena ang tungtong ng palayok. Bakas na bakas ang tuntong ng maalikabok niyang paa sa bagong bunot na sahig. Tuntunin mo ang pinagdaanang buhay ng iyong Lolo. 12. hanggang ngayon, hangga ngayon. Hanggang ngayon ang tama at mali ang hanga ngayon. Halimbawa:

  1. Ang nang ay nagsimula sa na at inangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring nito. a. Umalis sila nang maaga. b. Nagpaalam nang magalang ang mag-aaral sa kanyang guro. c. Nagdasal nang taimtim ang dalaga. d. Nagpaliwanag nang malinaw ang tagapanayam.
  2. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang-ugat ng inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit. Mga halimbawa: a. dasal nang dasal b. aral nang aral c. basa nang basa d. sulat nang sulat a. magsikap nang magsikap b. dumalangin nang dumalangin c. mag-impok nang mag-impok d. tumulong nang tumulong a. nag-ani nang nag-ani b. sumagot nang sumagot c. humiling nang humiling ng
  3. Ang ng ay ginagamit ng pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat. Mga halimbawa: a. Gumagawa siya ng takdang aralin. b. Nag-uwi ng mga pasalubong sa mga anak ang ulirang ama. c. Ibinili ng regalo ni Betty ang kanyang ina para sa kaarawan nito. d. Nagtatanim ng mga gulay sa kanilang bakuran si Danny.
  4. Ang ng ay ginagamit na pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak. Mga halimbawa: a. Pinangaralan ng ina ang mga anak. b. Tinulungan ng binata ang matandang babaeng nahandusay. c. Pinagbilinan ng guro ang mga mag-aaral na gumawa ng kanilang gawaing-bahay. d. Itinanong ng kanyang pinsan kung saan siya mag-aaral.
  5. Ang panandang ng ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian. Mga halimbawa:

a. Ang katalinuhan ng kanyang kapatid ay hinangaan ng lahat. b. Ang aklat ng bata ay tinakpan ng ina. c. Ang mga paa ng silya ay iniayos ng karpintero. d. Ang mga sapatos ng kayang ama ay nililinis ni Maximo.

16. ningas, dingas Lalawiganin ang dingas kaya tama ang ningas Halimbawa: Ang ningas ng apoy ay hindi niya mapatay-patay. 17. kailan, kaylan Kailan ang tama. Binubuo ito ng unlaping “ka” at ng salitang-ugat na “ilan”. Halimbawa: Kailan ba uuwi sa Pilipinas ang kapatid mo sa Hawaii? 18. kung at kong Ang kung ay pangatnig na panubali at ito’y karaniwang gingamit sa hugnayang pangungusap. Mga halimbawa: a. Malulutas ang mga suliranin sa bayan kung makikiisa ang mga mamamayan sa pamahalaan. b. Siya ay sasama sa inyo kung papayagan siya ng kanyang mga magulang. c. Kung aalis ka ay magpaalam ka muna sa iyong mga kasambahay. d. Kung hindi mo gagawin ang iyong takdang-aralin ay gagahulin ka sa oras. Kong Ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng ng.