Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Gamit ng Walong Dagdag na Letra sa Pagsasalin, Study Guides, Projects, Research of English Language

Ang papel na ito ay tumatalakay sa walong dagdag na letra. Nakasaad dito ang iba't ibang gamit nito at kung paano gamitin sa Filipino. Nailahad din dito ang kahalagan ng walong dagdag na letra sa mga hiram na salita mula Español, Ingles, at iba pang mga banyagang wika. Nakasaad dito kung kailan hindi pa maaaring reispeling at kung ano ang paraan ng pagsasa-Filipino gamit ang walong dagdag na letra. Maraming salita mula Ingles ay maaaring hiramin nang hindi nangangailangan ng pagbago sa ispeling

Typology: Study Guides, Projects, Research

2019/2020

Uploaded on 05/30/2020

daryll-candia-official
daryll-candia-official 🇵🇭

4.8

(58)

25 documents

1 / 5

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Gamit ng Walong Dagdag na Letra
I. Layunin
Sa pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga tiyak
na mga layunin sa pag-aaral nga mga sumusunod:
a. nakikilala ang gamit ng walong dagdag na letra;
b. napapahalagahan ang kahalagahan ng walong dagdag na letra sa mga mag-
aaral; at
c. nakasusulat ng mga salitang ginagamitan ng alinman sa nadagdag na walong
letra.
II. Introduksyon
Ang papel na ito ay tumatalakay sa walong dagdag na letra. Nakasaad dito ang
iba't ibang gamit nito at kung paano gamitin sa Filipino. Nailahad din dito ang
kahalagan ng walong dagdag na letra sa mga hiram na salita mula Español, Ingles, at
iba pang mga banyagang wika. Nakasaad dito kung kailan hindi pa maaaring
reispeling at kung ano ang paraan ng pagsasa-Filipino gamit ang walong dagdag na
letra. Maraming salita mula Ingles ay maaaring hiramin nang hindi nangangailangan
ng pagbago sa ispeling gamit ang walong dagdag na letra. Malalaman sa papel na ito
kung kailan papanatilihin ang isang salita sa orihinal na anyo at kung kailan papalitan
ang isang salita sa orihinal na anyo. Nakasulat din dito ang mga iba't ibang katawagan
ng mga letra at ano ang katumbas nitong tunog.
III. Nilalaman
Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay sa pasulat ang paggamit ng walong
(8) dagdag na letra sa modernasidong alpabeto: C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Pangunahing
gamit ng mga ito ang pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga
salita mula sa mga katutubong wika ng Pilipinas. Ang mga titik na F, J, V, at Z ay
napakaimportante upang maigalang ang mga kahawig na tunog sa mga katutubong
wika. Hindi tulad noong panahon ng abakada na ang "Ifugaw" ay isinusulat na
"Ipugaw" o ang "Ivatan" ay isinusulat na "Ibatan."
Ginagamit din ang walong dagdag na letra sa mga bagong hiram na salita
mulang Español, Ingles, at ibang wikang banyaga. Ibig sabihin, hindi na kailangang
ibalik sa orihinal na anyo ang mga hiram na salitang lumaganap na sa baybay ng mga
ito alinsunod sa abalada. Halimbawa, hindi dapat ibalik ang f ng orihinal na forma sa
pf3
pf4
pf5

Partial preview of the text

Download Gamit ng Walong Dagdag na Letra sa Pagsasalin and more Study Guides, Projects, Research English Language in PDF only on Docsity!

Gamit ng Walong Dagdag na Letra

I. Layunin Sa pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga tiyak na mga layunin sa pag-aaral nga mga sumusunod: a. nakikilala ang gamit ng walong dagdag na letra; b. napapahalagahan ang kahalagahan ng walong dagdag na letra sa mga mag- aaral; at c. nakasusulat ng mga salitang ginagamitan ng alinman sa nadagdag na walong letra. II. Introduksyon Ang papel na ito ay tumatalakay sa walong dagdag na letra. Nakasaad dito ang iba't ibang gamit nito at kung paano gamitin sa Filipino. Nailahad din dito ang kahalagan ng walong dagdag na letra sa mga hiram na salita mula Español, Ingles, at iba pang mga banyagang wika. Nakasaad dito kung kailan hindi pa maaaring reispeling at kung ano ang paraan ng pagsasa-Filipino gamit ang walong dagdag na letra. Maraming salita mula Ingles ay maaaring hiramin nang hindi nangangailangan ng pagbago sa ispeling gamit ang walong dagdag na letra. Malalaman sa papel na ito kung kailan papanatilihin ang isang salita sa orihinal na anyo at kung kailan papalitan ang isang salita sa orihinal na anyo. Nakasulat din dito ang mga iba't ibang katawagan ng mga letra at ano ang katumbas nitong tunog. III. Nilalaman Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay sa pasulat ang paggamit ng walong (8) dagdag na letra sa modernasidong alpabeto: C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Pangunahing gamit ng mga ito ang pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika ng Pilipinas. Ang mga titik na F, J, V, at Z ay napakaimportante upang maigalang ang mga kahawig na tunog sa mga katutubong wika. Hindi tulad noong panahon ng abakada na ang " Ifugaw " ay isinusulat na "Ipugaw" o ang " Ivatan " ay isinusulat na "Ibatan." Ginagamit din ang walong dagdag na letra sa mga bagong hiram na salita mulang Español, Ingles, at ibang wikang banyaga. Ibig sabihin, hindi na kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang mga hiram na salitang lumaganap na sa baybay ng mga ito alinsunod sa abalada. Halimbawa, hindi dapat ibalik ang f ng orihinal na forma sa

Español dahil ginagamit nang matagal ang porma pati ang mga deribatibo nitong pormal, impormal, pprmalismo, pormalidad, depormidad at iba pa. Hindi na rin babalik ang pirma sa firma , ang bintana sa ventana , ang kalye sa calle , at marami pang iba. Mahalagang mohon hinggil sa mga lumang wika mulang Español ang nakalista mula sa Diccionario Tagalog - Hispano (1914) ni Pedro Semano-Laktaw hanggang sa mga entri sa Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose Villa Panganiban. Nakatanghal sa mga inilistang mga lumang hiram na salita mulang Español ang naganap na pagsasaabakada ng mga tunog na banyaga gayundin ang pagbaluktot sa anyo ng mga orihinal na salita, gaya sa bakasyon ( vacacion ), kabayo ( caballo ), kandela ( candella ), puwersa ( fuerza ), letson ( lechon ), lisensiya ( licencia ), sibuyas ( cebolla + s ), silahis ( celaje +s), sona ( zona ), komang ( manco ), kumusta ( como esta ), porke ( por que ) at libo-libo pa sa Bicol, Ilocano, Ilonggo, Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, Waray at iba pang wukang katutubo na naabot ng kolonyalismong Español. Ngunit pigilin ang pagbaybay paabakada sa mga idinadagdag ngayong salita mulang Español. Maituturing na bagong hiram ang mga salita na hindi pa matatagpuan sa Diccionario Tagalog - Hispano (1914) ni Pedro Semano-Laktaw hanggang sa mga entri sa Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose Villa Panganiban. Halimbawa, maaaring hiramin at walang pagbago ang futbol , fertil , fosil , visa , zigzag. Samantala, dahil sa walong dagdag na letra, maraming salita mulang Ingles ay maaaring hiramin nang hindi nangangailangan ng pagbago sa ispeling, gaya ng fern , folder , jam , jar , level ( na hindi dapat bigkasing mabilis- "lebel" - gaya ng ginagawa ng mga nag-aakalang isa itong salitang Español), envoy , develop , ziggurat , zip. Gayunman, mapapansin sa mga binanggit na halimbawa ng bagong hiram na salita na hindi pa ginagamit ang lahat ng dagdag na titik. Walang halimbawa ng hiram na salita na may mga titk C, Ñ, Q, at X dahil isang magandang simulaing pangwika mula sa baybayin hanggang abakada ang pangyayaring iisang tunog ay kinakatawan ng bawat titik. Sa kaso ng C, problema ang pangyayari na may dalawang paraan ito ng pagbigkas na maaaring katawanin ng K o S. Halimbawa, K ang tunog nito sa unang titik ng coche (kotse) ngunit S naman ang tunog sa unang titik ng ciudad (siyudad). Sa kaso ng Ñ, napakalimitado kahit sa Español ang mga salita na nagtataglay ng titik na ito. Ang ilang salitang pumasok na sa Filipino ay natapatan na ng NY, gaya sa donya (doña) pinya (piña) banyo (baño). Sa kaso naman ng Q at X, may palagay na hindi isahang tunog ang mga nabanggit na titik - nagiging kw o ky ang Q at ks ang X. Sa gayon, ginagamit lamang ang mga ito sa mga pangngalang pantangi (Quintos, Xerxes) at katawagang teknikal at pang-agham ( Q clearance, X-ray). Kapag humiram ng pangngalang pambalana at nais ireispel, ang ginagamit noon pa sa paabakadang pagsulat ay ang katumbas ng tunog ng Q at X. Ang Q ay nagiging K sa mulang Español na keso (queso) at KW sa mulang Ingles na kwit (quit) o KY barbikyu (barbeque). Ang X naman ay tinatapatan noon pa ng KS gaya sa ekstra (extra).

binabaybay. Halimbawa, alas - dos y medya (ikalawa at kalahati), ala-una y kwarto (ikaisa at labinlima), alas-singko y beynte (ikalima at dalawampu), kwarenta y singko ( apat napu't lima). Sa wikang Español, ang titik H (hache) ay hindi binibigkas. Kaya ang heilo ay yelo, hechura ay itsura, hacienda ay asyenda, habilidad ay abilidad at iba pa. Ngunit may ibang salitang Español na kailangan panatilihin ang H dahil may kahawig ang mga ito na salitang iba ang kahulugan. Halimbawa, humano (tao) na kapag inalisan ang H ay makakahawig ng katutubong umano. Sa gayon, kahit ang mga deribatibo ng humano na hiniram na ngayon sa Filipino, gaya ng humanismo, humanista, humanidad(es), humanitaryo, ay hindi pinupungusan ng unang titik. Katulad din bagaman may kaibahan ang kaso ng historya na sa Español ay maaaring gamiting kasingkahulugan ng "kuwento" o ng "kasaysayan". Sa praktika ngayon, ang historya ay ginamit na singkahulugan ng kasaysayan samantalang ang istorya ay itinapat sa salaysay. Sa pangkalahatan , ang bagong titik na J ay ginagamit sa tunog na /dyey/. Ibig sabihin, hindi na ito gagamitin sa panghihiram mulang Español ng mga salitang ang J ay may tunog na /ha/ at tinatapatan ng H, gaya ng ginawa noon sa justo at juez na may anyo na husto at huwes. Ilalapat, sa gayon, ang bagong titik na J sa mga katutubong salita na may tunog /dyey/, gaya ng jambangan at jantung ng Tausug, sinjal ng Ibaloy at iba pa. Gagamitin din ito sa mga bagong hiram na salita, gaya ng jet , jazz , jingle , joy , enjoy , ng Ingles. Ngunit hindi sakop nito ang ibang salitang Ingles na nagtataglay ng tunog /dyey/ ngunit hindi gumagamit ng J, gaya sa general, generator, digest, region na kung sakaling hiramin ay magiging " dyeneral ", " dyeneretor ", " daydyest ", "ridyon." Hindi naman kailangan ibalik ang J sa mga salitang Ingles na matagal nang isinusulat nang may DY, gaya sa dyipni (jeepney), dyanitor (janitor), at dyaket (jacket). IV. Kongklusyon Ang kabuuang walong dagdag na letra sa alpabetong Filipino ngayon ay kasangkapan sa modernisasyon at intelektuwalisasyon ng ating wika. May pagbabago man sa pagbaybay sa pagsulat ang paggamit ng walong dagdag na letra ngunit sinisigurado nito na mapapanatili pa rin ang kahawig na tunog nito sa orihinal na tunog. Ang buong pangyayaring ito ay isang patunay na nagbabago ang wika ng bansa. Kailangan itong isunod sa pagbabago ng wika ang mga pagpapalaganap nito. Ito'y napakahalaga upang mabigyan tayo ng kamalayan kung bakit nagkaroon ng walong dagdag na letra. Nakatutulong din ito sa pagpapayaman ng ating wika.

V. Mga Reperensya Almario, Virgillo S. KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat Ikalawang Edisyon. Quezon City: Gusaling Watson, 1610 JP Laurel St., Malacañang Palace Complex

  1. San Miguel, Maynila. ( Son, Queency. (2015). Paggamit ng 8 Dagdag na Titik. Date retrieved: March 3,2020. Retreived from https://prezi.com/nujh_ff7sfdw/paggamit-ng-8-dagdag-na-titik/ University of the Philippines Diliman. (n.d.) Malinang dinagdagan ang mga titik alpabeto. Date retrieved: March 3, 2020. Retrieved from https://www.coursehero.com/ file/p3p6h5cv/Maliwanag-dinagdagan-ang-mga-titik-ng-alpabeto-upang-maisulat-ang- mga-tunog-na/ Canceran, Rina L. (n.d) Primer sa 2001 Mga Tiyak Na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra. Date retrieved: March 3, 2020. Retrieved from https://www.scribd.com/document/379532660/Primer-Sa-2001-Mga-Tiyak-Na- Tuntunin-Sa-Gamit-Ng-Walong-Dagdag-Na-Letra