1. Ano ang Di berbal na komunikasyon?
Ang komunikasyong di-berbal ay isang karaniwang paraan ng pakikipagkomunikasyon.
Hindi ito ginagamitan ng wika. Kilos at galaw ang ginagamit upang makapaghatid ng pahayag.
Halimbawa nito ay pagtango, pagtaas ng kilay, pag-ikot ng mata at pagtaas ng kamay.
2. Anu-ano ang ibat ibang anyo ng di berbal na komunikasyon.
Mayroon tayong siyam na uri ng di-berbal na Komunikasyon ito ay ang mga sumusunod.
Simbolo (Icons), Kulay, Pandama (Hoptics), Awit o Musika, Sayaw, Katawan (Kinesics), Oras
(Chronemics), Paralanguage, at Espasyo (Proxemics).
3. Anu-ano ang mga napapanahong isyung lokal, nasyonal at internasyonal?
Isyu sa overseas Filipinos at tungkulin ng media sa overseas voting, tinalakay 1.7M
Filipinos ang rehistradong overseas voters para sa 2022 absentee voting.
Nag-umpisa ang pangangampanya sa Pilipinas noong Pebrero 8 kung saan nangunguna
sa mga kandidato ang anak ng isang dating diktador at ang kasalukuyang bise presidente, lahat
nangangako na isasalba ang Pilipinas sa lumalalim na kahirapan dahil sa pandemya, pagkagapos
sa lumalawak na agwat ng 'di pagkakapantay-pantay at sa deka-dekadang insurhensiya.
Dinaluhan ng ilang correspondents, stringers at overseas reporters mula sa Canada at
iba’t-ibang bansa na karamihan ay nasa Europa at Asya ang ginanap na election reporting
training kamakailan sa pamamagitan ng isang video conference.
Pinag-usapan sa ginawang election reporting training ang kahalagahan ng Mayo 2022
elections para sa mga Pilipino na nasa ibang bansa.
Naitala noong Disyembre 2020 na nasa 10.36 milyon ang overseas Filipinos sa 238 na
mga bansa at teritoryo sa buong mundo.
Ayon sa datos ng Philippine Commission on Elections, may 1,718,714 na rehistradong
botante para sa 2022 Overseas Absentee Voting (OAV). Humigit-kumulang 90,000 sa mga ito
ang nakarehistro sa mga konsulada at embahada ng Pilipinas sa Canada.