Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Bahaghari Script of Role play, Summaries of Music and Technology: Algorithmic and Generative Music

Role Play Bahaghari Script of Role play

Typology: Summaries

2021/2022

Uploaded on 10/07/2022

marjori-anne-delos-reyes
marjori-anne-delos-reyes 🇵🇭

1 document

1 / 9

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Narrator:Magandang umaga sainyong lahat, sa puntong ito ay hayaan niyong kwentuhan ko kayo, ang
kwentong ibabahagi ko ay tungkol sa isang pamilya na buo at masayang nagsasama na sinubok ng
tadhana upang masukat ang haba at laki ng tiwala at pagmamahal ng bawat isa sa kanila. Ang pamilyang
tinutukoy ko ay ang pamilyang bahaghari. Si Ara at Ryan Bahaghari ay ang mga magulang sa pamilyang
ito at si Chamie naman ay ang ina ni Ryan at nagsisilbing lola ng mga anak nila, ang mag-asawang
Bahaghari ay may pitong anak ito ay sila Marlyn ang panganay, sinundan ni John, Erica, Jamby, Angelica,
Lenny, at ang bunso sa magkakapatid na si Marjori.
Mama: Mga anak bilisan nyo na diyan at mahuhuli na kayo sa klase pati ako, kanina ko pa kasi kayo
ginigising ang tagal-tagal niyo bumangon at mag-ayos ng mga sarili niyo, malalaki naman na kayo ahh.
Papa: Ma, tama na yan aga aga highblood ka na naman.
Mama: Sino ba naman hindi mahahighblood kung ganto mga anak mo.
Papa: Sige na ako na ang bahala dito mamaya pa naman ako pupunta sa bukid, ako na ang magaasikaso
sa mga anak natin
Lola: Hoy Ryan! Baka nakakalimutan mo na pati ako ay dapat mong asikasuhin at alagaan hindi mo hindi
mo ako anak pero ikaw anak ko at ina moa ko.
Papa: Si mama naman oh! Syempre aalagaan ko rin ang matampuhin kong mama.
Chamie: Yung arinola ko puno na itapon mo na yun at linisan.
Mama: Pa! alis na ako late na kasi ako sa trabaho ko Jamby, Lenny, Marjori hali na kayo.
Narrator:Nakalimutan ko sabihin na maingay pala ang pamilyang ito, Si Ara ang ina ng pamilya at isang
hotel Manager at ang padre de pamilya naman na si Ryan ay isang mambubukid sa sarili nilang bukirin.
(Nagliligpit ng kinainan si John, si Erica ay nakaupo at si Angelica ay naglilinis sa loob ng bahay kasama
ang panganay niyang kapatid na si Marlyn.)
Papa: John!, anak asan ka?
John: Nasa kusina po
Papa: Wala ka naman pasok diba, samahan mo nga ako sa bukid
John: Pa, ayoko po ang init-init po dun saka madamo po
Marlyn: Pa, ako po gusto kong sumama, tutulong po ako sainyo
Papa: Anak hindi ka pwede sa bukid, panglalaking trabaho iyon dito ka nalang sa bahay samahan mo ang
lola mo
Marlyn: Pero pa gusto ko sa bukid, magpapakain ng mga manok, pato at magpapastol ng mga kambing
at baka natin, promise po tutulungan ko po kayo.
Papa: Huwag ng makulit dito ka lang sa bahay at ligpitin ang dapat na ligpitin magluto ka na rin ng
tanghalian natin
Papa: At ikaw naman John bitawan mo na yang hugasin na yan, trabaho ng babae ikaw gumagawa asan
ba si Erica, iwan mo na yan kapatid mo ng babae gumawa niyan.
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9

Partial preview of the text

Download Bahaghari Script of Role play and more Summaries Music and Technology: Algorithmic and Generative Music in PDF only on Docsity!

Narrator :Magandang umaga sainyong lahat, sa puntong ito ay hayaan niyong kwentuhan ko kayo, ang kwentong ibabahagi ko ay tungkol sa isang pamilya na buo at masayang nagsasama na sinubok ng tadhana upang masukat ang haba at laki ng tiwala at pagmamahal ng bawat isa sa kanila. Ang pamilyang tinutukoy ko ay ang pamilyang bahaghari. Si Ara at Ryan Bahaghari ay ang mga magulang sa pamilyang ito at si Chamie naman ay ang ina ni Ryan at nagsisilbing lola ng mga anak nila, ang mag-asawang Bahaghari ay may pitong anak ito ay sila Marlyn ang panganay, sinundan ni John, Erica, Jamby, Angelica, Lenny, at ang bunso sa magkakapatid na si Marjori. Mama : Mga anak bilisan nyo na diyan at mahuhuli na kayo sa klase pati ako, kanina ko pa kasi kayo ginigising ang tagal-tagal niyo bumangon at mag-ayos ng mga sarili niyo, malalaki naman na kayo ahh. Papa : Ma, tama na yan aga aga highblood ka na naman. Mama : Sino ba naman hindi mahahighblood kung ganto mga anak mo. Papa : Sige na ako na ang bahala dito mamaya pa naman ako pupunta sa bukid, ako na ang magaasikaso sa mga anak natin Lola : Hoy Ryan! Baka nakakalimutan mo na pati ako ay dapat mong asikasuhin at alagaan hindi mo hindi mo ako anak pero ikaw anak ko at ina moa ko. Papa : Si mama naman oh! Syempre aalagaan ko rin ang matampuhin kong mama. Chamie : Yung arinola ko puno na itapon mo na yun at linisan. Mama : Pa! alis na ako late na kasi ako sa trabaho ko Jamby, Lenny, Marjori hali na kayo. Narrator: Nakalimutan ko sabihin na maingay pala ang pamilyang ito, Si Ara ang ina ng pamilya at isang hotel Manager at ang padre de pamilya naman na si Ryan ay isang mambubukid sa sarili nilang bukirin. (Nagliligpit ng kinainan si John, si Erica ay nakaupo at si Angelica ay naglilinis sa loob ng bahay kasama ang panganay niyang kapatid na si Marlyn.) Papa : John!, anak asan ka? John : Nasa kusina po Papa : Wala ka naman pasok diba, samahan mo nga ako sa bukid John : Pa, ayoko po ang init-init po dun saka madamo po Marlyn : Pa, ako po gusto kong sumama, tutulong po ako sainyo Papa : Anak hindi ka pwede sa bukid, panglalaking trabaho iyon dito ka nalang sa bahay samahan mo ang lola mo Marlyn : Pero pa gusto ko sa bukid, magpapakain ng mga manok, pato at magpapastol ng mga kambing at baka natin, promise po tutulungan ko po kayo. Papa : Huwag ng makulit dito ka lang sa bahay at ligpitin ang dapat na ligpitin magluto ka na rin ng tanghalian natin Papa : At ikaw naman John bitawan mo na yang hugasin na yan, trabaho ng babae ikaw gumagawa asan ba si Erica, iwan mo na yan kapatid mo ng babae gumawa niyan.

John : Opo Papa : Ma una na po kami, mga anak kayo na bahala sa lola niyo at bahay natin. (Nakita ni Chamie si Erica na nakataas ang dalawang paa sa upuan habang naka upo ito at nagcecellphone, pagkatapos kumuha ito ng hanger at pinalo ang paa ni Erica) Erica: Aray!!!!! Chamie: Hoy! Kababae mong tao nakataas iyang mga paa mo, sumisilip na yung pagkababae mo!! Erica : Lola naman! Ang OA niyo naman po, komportable po kasi ako kapag ganto ang upo ko, wala namang mawawala Chamie: Aba!! Sumasagot ka pang bata ka! Tumayo ka nga diyan at tulungan mo dun ang kapatid mo maglinis Erica: Lola kaya na po yun ni Angelica (akmang papaluin ito ni Chamie ng hanger) Erica: Uyy lola mamamalo ka na naman heto na po tatayo na ako Chamie : Kababaeng tao apaka batugan! Mga kabataan nga nama ngayon Mabuti pamg dun muna ako sa bakuran magpahangin. (Habang naglilinis ang dalawang magkapatid lumapit si Erica kay Angelica) Erica: Angelica, aalis ako saglit ahh huwag kang magsusumbong ahh babalik lang naman ako Angelica: Ate naman hindi pa nga tayo tapos sa mga gawain dito sa bahay Erica: Kayang-kaya mo naman na yan saka ate mo ko kaya sundin mo ko kung hindi papaluin rin kita ng hanger Angelica: San ka naman kasi pupunta ate? Erica: Basta, Alis na ako byee huwag kang maingay Angelica: Ate!! Huy!! Narrator : Palihim ngang umalis ng bahay si Erica para puntahan ang kanyang kasintahan at sa pamilyang Bahaghari si Erica ay talagang pasaway at hilig suwayin ang mga patakaran sa loob ng bahay nila. Erica: Hi Babe! (Akmang yayakapin nito si Bea pero tinabig papalayo ni Bea si Erica) Bea: Lumayo ka nga sakin! Nakakainis ka! Erica: Sorry na Babe kung napag antay kita ng saglit dito sa may kanto nahirapan kasi akong lumabas sa bahay naming ehh

Papa: Mga anak sige na pumasok na kayo sa mga kwarto niyo, Ma pati po ikaw pumasok na rin po kayo dadalhin ko na lang sa kwarto niyo yung arinola mo Papa : Bakit pati sakin nagagalit ka? Mama : Pano ba naman kinukunsinte mo yang mga anak mo kaya ang titigas ng mga ulo! Lalo na yang si Erica kababaeng tao palaging nasa labas ng bahay Papa : Hindi ko kinukunsinte sa mga maling gawain ang mga anak mo, gusto ko lang sabihin sayo na maari naman na kausapin sila ng kalmado para magkaintindihan kayo Mama : Ewan ko nga sayo! Tinuring ka pa naman na haligi ng tahanan pero ang rupok-rupok mo, magpaka ama ka naman Ryan Papa : Ara! Narrator :Simula ng pangyayaring iyon tila ba naging isang mantsa sa maputing tela dahil ang dating masayang pamilya ay bigla na lang nawalan ng sigla at kulay. Samantala, isang araw naiwang mag-isa sa bahay si dahil ang mga kapatid niya ay nasa paaralan, si mama ay nasa trabaho at ang lola at papa naman niya ay nasa bukid. Tila ba isang malayang ibon si John dahil nagawa niya ang nais niyang gawin. John : Ma? Pa? Lola? Walang tao sa bahay ibigsabihin ako lang mag-isa at kung ako lang mag-isa Malaya kong magagawa ang gusto ko John : OMG ang hirap umakting na pogi nasasayang ang kagandahan ko sa school andami pa namang mga fafa sa school haysss John : Ay mabuti pa magtiktok na lng ako habang wala pa ang mga ferson kaloka magiging boy na naman ako later kaya susulitin ko na to Narrator :Habang busy sa pagsasayaw si John, hindi niya namalayan na dumating pala ang kapatid niyang si Jamby at Leni at dito nila nalaman na ang kuya nila ay isang…. Jamby &Leni: Baklaaaa!!! John : Ayyyy! Sinong bakla!? Sino!? Jamby : Ikaw Kuya! Lenny : Huwag mo ng itanggi kuya kitang-kita ng dalawang mata naming ni Jamby bale apat na yun John : Ok fine! Oo Bakla ako! Bakit may masama ba dun? Leni : Wala naman po kuya nabigla lang kami kaya ganun nagging reaksyon naming Jamby : Kaya pala nung naglinis ako sa kwarto ni kuya may Nakita akong lipstick akala ko sa gf mo sayo pala yun John : Iwwwww! Gf? Sorry but I’m allergic to girls John : Pero seryoso na huwag niyo muna ito sasabihin kila mama ahh tiyak magagalit yun sakin sasabihin ko namn pero naghahanap pa ko ng tamang oras

Jamby : Sige po kuya Leny : Huwag kang mag-alala tanggap ka namin at naiintindihan ko yang nararamdaman mo kaya kakampi mo ako Jamby : Siyempre ako din John : Thank you Girls, let’s go sa kwarto dun na lang tayo, aayusan ko kayo ang Chaka niyo ehh Narrator :Tama ang narinig at nasaksihan niyo, Bakla si John ang uniko ijo ng pamilyang Bahaghari ay isa rin palang ija. Samantala dumating naman na sa bahay ang panganay sa magkakapatid na si Marlyn na tila pagod na pagod galing sa klase isa itong graduating College student Marlyn : Ang sakit ng ulo ko dahil sa Thesis namin idagdag mo pa ang mga ibang gawain sa ibang subjects ko, nakakagapod pero kakayanin ko to kasi dapat na maging Bread winner ako sa pamilya naming lalo na ako pa ang panganay, iidlip muna ako saglit medyo maaga pa namn para magluto ng hapunan. (Dumating nadin galing sa paaralan ang bunsong si Marjori) Marjori : Ate? Kuya? Lola? Asan sila? (Pumunta sa kusina walang Nakitang tao) Marjori : Wala naman tao dito sa kusina, wala ring pagkain nagugutom na ako Marjori : Baka nasa kwarto sila ate tignan ko nga Marjori : Ate! Nagugutom na po ako, ayy tulog si ate marlyn kawawa naman ang ate ko mukhang pagod na pagod galing school, ayy mabuti pa ako na lang ang magsasaing para sa hapunan namin at magluluto ako ng itlog kasi gusto ko pritong itlog ulam ko Narrator :At tuluyan na ngang nakatulog si Marlyn dala ng sobrang pagod, samantala naghanda na rin ng hapunan nila si Marjori ng mag- isa dahil sa pagmamalasakit niya sa kanyang ate pero ng nalaman ito ng kanilang ina tila hindi ito natuwa kaya napaag pasyahan ng pamilya na mag-usap usap para maging malinaw ang lahat. Mama : Lahat na ba andito? Yung lola niyo asan? Tulog na ba? Chamie : Teka lng hindi pa ako tulog tinignan ko lng kong nasa ilalim na ba ng kama ko yung arinola ko baka kasi nakalimutan na namn ni Ryan ilagay dun Ryan : Andun na po yun ma, maupo ka na po Ara : Mukhang andito na ang lahat, nagpatawag ako ng biglaang pagpupulong kasi napapansin ko na andami ng mga lihim ang bawat isa na tinatago kung kaya magsalita na ang gustong magsalita Erica : Tomboy po ako ma Ara : Oh tomboy raw ang ate niyong si Erica, Ano!? Tomboy ka!? Ryan : Oh, Ma sumisigaw ka na naman huminahon ka lang Ara : Hindi mob a narinig yung sinabi ng anak mo! Tomboy raw siya at kalian pa Erica!?

Ryan: Teka nga lang, maupo nga muna kayong lahat at may sasabihin ako, John, Erica wala akong problema kung anuman kayo, tanggap ko kayo kasi mga anak ko kayo at kung saan kayo masaya susuportahan ko kayong lahat John&Erica: Salamat po pa Ryan: At sa mama niyo naman gusto kong humingi ng tawad dahil ang responsibilidad na dapat ako ang gumagawa ay ang mama niyo ang gumagawa, masakit rin sa loob ko na ako yung haligi ng tahanan ng pamilya natin pero walang magandang trabaho para buhayin ang pamilya natin, nahihiya na nga ako saenyong lahat dahil imbes na ang mama niyo ang nasa bahay lamang para alagaan kayo ay ako yung kasama niyo na wala rin masyadong alam sa mga gawain sa bahay. Kaya Ma, pasensya ka na ahh kung bakit ikaw pa yung nagmumukhang haligi at padre de pamilya ng ating pamilya hayaaan mo magsusumikap ako na makahanap ng trabaho para makapagpahinga ka na dito sa bahay Chamie: Teka nga lng naguguluhan na ako sainyong lahat kasi ang alam ko ay dalawa lng ang kasarian ng tao babae at lalaki tapos yung dalawa kong apo ehh tomboy at bakla ayyy Diyos ko naguguluan na ako Angelica: Lola babae at lalaki pa namn po si ate at kuya kung babasehan po ang kasarian nila noong sila ay ipinanganak pero po kasi mayroon po tayong pansariling pagkakilanlan sa ating mga sarili na maaaring epekto ng iba’t ibang salik sa lipunan. Jamby: Kaya po may mga lalaki na maaaring lalaki dahil sa kanilang kasarian ngunit mas komportable silang kumilos ng tulad sa mga babae katulad na lng po ni kuya John Leny: Meron din po la na babae na maaaring babae dahil sa kanilang kasarian ngunit mas komportable silang kumilos ng tulad sa mga lalak katulad na lng po ni Ate Erica Chamie: Ganun ba mga apo, Salamat sainyo dahil nalinawan na ako sa mga nangyayari sa mga kapatid niyo Ara: Sandali nga muna, Marlyn alam mo na ba lahat ng ito? At ikaw Ryan kukunsintehin mo na lng ba ang mga kahibangan ng mga anak mo? Ano na lang ang sasabihi ng mga tao sakin satin! Marlyn: Ma naman, buksan niyo naman po ang puso’t isip niyo! Opo! Alam ko na bakla si John at tomboy si Erica pero pinili kong manahimik at pabayaan sila kasi ayaw ko silang pangunahan sa pagsabi ng totoo sainyo saka bakit po ba palagi niyo na lng sinisisi si papa? Ara: Alangan naman na sisihin ko ang lola niyo! Chamie: Oh! Wag niyo ko masali-Sali sa away niyo ha nananahimik ako rito! Ara:Alam mo na pala ang tungkol sa mga kapatid mo pero hinayaan mo lang! Tignan mo ang nangyari! Sige nga sagutin mo nga ako nagging mabuting ate ka ba talaga sa kanila ha? Marlyn: Oo ma! Oo! Naging mabuting ate ako sa kanila hindi mo yun nakikita kasi wala ka naman pakialam samin Ara: Huwag mong sasabihin na wala akong pakialam sainyo!lahat ng ginagawa ko para sainyo!

Marlyn: Para samin? Oh para sa ibang tao? Ma! Alam niyo po kung bakit hindi ko sinabi sainyo agad ang tungkol sa mga kapatid ko dahil sinosoportahan ko sila! Sinosoportahan ko sila na ilabas ang tunay na sila kasi Karapatan din naming sumaya sa kung saan kmi komportable kumilos John: Ma! Sorry po kung hindi ko po agad sinabi sainyo natakot lang namn po kasi ako na baka hindi niyo ako matanggap pero hindi po ako hihingi ng sorry sa kung ano ako ngayon kasi ito yung tunay na ako ma at sana matanggap niyo po ako Erica: Ako din po Ma Sorry po kung naglihim rin po ako sainyo pero katulad po ni kuya John hindi ko po ikinakahiya ang sarili ko kaya sana matanggap niyo po kmi bilang mga anak niyo Marjori: Ma,Pa,Lola, Ate at kuya wag na po tayo mag away-away plsss, saka ma tungkol po dun sa paghanda ko ng hapunan hindi namn po yung problema dapat ehh kasi po malaki na po ako ohhh kaya ko na po tumulong sa mga ate at kuya ko purke po bunso ako ehh hindi ako tutulong sa kanila saka si ate Marlyn apaka bait na ate niya po samin at ang sipag p kasi kahit pagod na pagod na siya sa klase niya pero nakukuha niya pa kming asikasuhin kaya Ma huwag na po sanang highblood Jamby: Tama po ma si bunso kung tutuusin hindi dapat to maging problema sa pamilya natin ehh walang masama kung ano pa man po ang identidad ng mgqa kapatid ko kasi ang importante nagmamahalan at may suporta tayo sa isa’t isa Leny: At isa pa po panindigan na natin yung apelyido natin, kasi iba-iba man ang mga gender identity natin ay nauunawaan natin ang ating mga sarili, katulad ng bahaghari iba-iba man ang kulay ngunit nakakapagbigay ng ngiti sa ibang tao dahil sa ganda ng mga binubuo nitong kulay katulad natin hindi po ba Ryan : Kaya ma, bati na tayo? Ara: Mga anak, Pa sorry, sorry sainyong lahat dahil sa kakaisip ko na maging maganda ang pamumuhay natin nakalimutan ko na kayong kamustahin o maalagaan man lang, lalo na sayo Marlyn, ate, sorry nak kung naging masama ang turing ko sayo sana mapatawad mo si mama Marlyn: Sorry din po ma Ara: Oh siya tapusin na natin tong kadramahan nato hindi bagay sa pamilya natin ehh, basta simula ngsyon magiging bukas na ang isip at puso ko tanggap ko kung anuman kayo at susuportahan sa lahat ng gusto niyo Chamie: at dahil diyan Group Hug tayoooooo Ryan: Sino ang gusto ng ice cream? : Oh tara sa labas bili tayo libre kooo Narrator: At simula noon at hanggang sa nagdaang maraming taon ay naging masaya na ulit at mas lalong tumingkad ang kulay ng pamilyang Bahaghari tinanggap at sinuportahan ang bawat isa, kaya kung sino man sainyo ang pilit na tinatago pa ang tunay na identidad niyo, Sige na! huwag ka ng mahiya tanggap ka naming at mamahalin.